ZEMARAIM
1. Isang di-matukoy na Benjamitang lunsod na binanggit kasama ng Bethel. (Jos 18:21, 22) Iminumungkahi na ito’y isang lugar sa HS ng Bethel.
2. Isang mataas na lugar sa bulubunduking pook ng Efraim. Mula sa bundok na ito’y nagsalita si Haring Abias ng Juda. Itinawag-pansin niya na itinakwil ni Jeroboam at ng sampung tribo ng Israel ang tipan ni Jehova kay David ukol sa kaharian. Lumilitaw na ang Bethel ay nasa kapaligiran ding ito. (2Cr 13:4, 19) Posibleng ang Bundok Zemaraim ay ipinangalan sa Benjamitang lunsod ng Zemaraim, ngunit hindi pa rin matukoy ang eksaktong lokasyon ng bundok.