Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Paralisis”
  • Paralisis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paralisis
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Eneas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Bumalik Na Uli sa Capernaum
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Mahal ni Jesus ang mga Tao
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2018
  • Bumalik na Uli sa Capernaum
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Paralisis”

PARALISIS

Pagkapinsala o lubos na pagkawala ng lakas ng kalamnan o ng pakiramdam sa isa o higit pang mga bahagi ng katawan. Kung minsan ay tinatawag na palsy, resulta ito ng pinsala o diperensiya sa sistema ng nerbiyo o dulot ng pagkatuyot ng mga kalamnan, kaya, alinman sa pinipigilan nito ang pagdaloy ng mga hudyat ng nerbiyo o ginagawang manhid ang mga kalamnan anupat hindi makatugon sa mga iyon. Maraming pangalan at uri ang paralisis, at ang ilan ay nakamamatay. Kabilang sa mga sanhi nito ay karamdaman (gaya sa kaso ng diphtheritic paralysis), mga pinsala sa utak, pinsala sa gulugod, o pagkaipit ng ugat dahil sa isang tumor.

Kabilang sa mga makahimalang pinagaling ni Jesu-Kristo ang mga taong paralisado. (Mat 4:24) Minsan, isang taong paralisado ang dinala kay Jesus, at pinagaling niya ang maysakit matapos patawarin ang mga kasalanan nito. Pagkatapos, sa utos ni Kristo, binuhat ng dating paralitiko ang kaniyang higaan at umuwi sa kaniyang tahanan. (Mat 9:2-8; Mar 2:3-12; Luc 5:18-26) Noong isang pagkakataon naman, ang alilang lalaki ng isang opisyal ng hukbo ay nakaratay dahil sa paralisis at malapit nang mamatay, ngunit pinagaling ito ni Jesus mula sa malayo. (Mat 8:5-13; Luc 7:1-10) Ang aliping ito ay “lubhang napahihirapan,” o lubhang napipighati (Mat 8:6), anupat maaaring nagpapahiwatig na dumaranas siya ng matinding kirot, ngunit hindi ito tiyak. Bagaman kadalasan ay hindi naman makirot ang paralisis, sa ilang kaso ay maaaring may kaakibat itong kirot. Sa mga kaso ng paralysis agitans (parkinsonism, o shaking palsy), may mga kirot sa gulugod at sa mga kamay at mga paa na gaya ng pamumulikat, at matinding kirot naman ang nararamdaman sa paraplegia dolorosa, isang uri ng paralisis na nauugnay sa ilang kaso ng kanser sa gulugod. “Paralitiko” ang tawag sa mga taong may sakit na paralisis.

Nangaral ang ebanghelistang si Felipe, at gumawa siya ng maraming tanda sa lunsod ng Samaria, anupat nagpagaling ng maraming taong paralisado. (Gaw 8:5-8) Sa Lida, ang paralisadong si Eneas, “na nakaratay sa kaniyang teheras sa loob ng walong taon,” ay sinabihan ni Pedro: “Eneas, pinagagaling ka ni Jesu-Kristo. Bumangon ka at iligpit mo ang iyong higaan.” Dahil dito, “kaagad siyang bumangon.”​—Gaw 9:32-35.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share