PAROS
[Pulgas].
Pinagmulan ng isang pamilya sa Israel. May 2,172 sa kaniyang mga inapo na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E. (Ezr 2:1-3; Ne 7:8) Nang panahong dumating si Ezra noong 468 B.C.E., kasama ang 150 “mga anak ni Paros” na pinangunahan ni Zacarias, ang ilan na kabilang sa kanilang pamilya na naroon na sa Jerusalem ay kumuha ng mga asawang banyaga na nang maglaon ay pinaalis nila. (Ezr 8:1, 3; 10:25, 44) Si Pedaias, isa na kabilang sa pamilya, ay nagkumpuni ng isang bahagi ng pader ng Jerusalem. (Ne 3:25) Ang ulo ng pamilyang Paros ay nagpatotoo sa tipang ginawa nang dakong huli anupat sumang-ayong tuparin ang Kautusan ni Jehova.—Ne 9:38; 10:1, 14.