Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Perdis”
  • Perdis

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Perdis
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Chukar—Estranghero sa Paraiso
    Gumising!—2007
  • Pugad
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Namisa ng mga Sisiw ang Aking mga Bubuyog!
    Gumising!—1998
  • Ang “Megapode” at ang Binating mga Itlog Nito
    Gumising!—1995
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Perdis”

PERDIS

[sa Heb., qo·reʼʹ; sa Ingles, partridge].

Isang ibong tulad-manok na mataba ang katawan, mas maliit kaysa sa pheasant, napakabilis tumakbo at umilag, bihirang lumipad at kapag lumipad naman ay madaling mapagod. Ang dalawang uri ng perdis na matatagpuan sa Palestina ay ang sand partridge (Ammoperdix heyi) at rock partridge (Alectoris graeca). Ang sand partridge ay matatagpuan sa mga disyerto at sa mababatong dalisdis, samantalang ang rock partridge ay pangunahing matatagpuan sa maburol na lupaing may kakaunting pananim.

Ang pangalang Hebreo ng ibong ito ay nangangahulugang “isa na tumatawag.” Bagaman ang huni ng perdis ay mataginting at parang tumatawag, naniniwala ang ilan na ginagaya ng pangalang Hebreo nito ang magaralgal na huning “krrr-ik” ng ibong ito kapag binubugaw.

Malinamnam ang karne ng perdis at mula pa noong sinaunang panahon ay hinuhuli na ito upang maging pagkain, anupat kadalasa’y binabato ito ng mga patpat upang mapatumba matapos itong bulabugin sa pinagtataguan nito. Yamang ang perdis ay tumatakas sa pamamagitan ng pagtakbo, pagkukubli sa mga bato at sa ibang mga harang, at pagtatago sa mga guwang ng mga bato o sa katulad na mga kublihan, inihalintulad ni David, na nagpalipat-lipat ng taguan para makatakas sa walang-tigil na pagtugis ni Haring Saul, ang kaniyang sarili sa “isang perdis sa mga bundok.”​—1Sa 26:20; ihambing ang Pan 3:52.

Naging paksa ng maraming talakayan ang teksto sa Jeremias 17:11, kung saan ang tao na di-makatarungang nag-iipon ng kayamanan ay inihalintulad sa “perdis na nagpipisan [o, posible, nagpipisa] niyaong hindi nito ipinangitlog.” Bagaman sinasabi ng ilang sinaunang manunulat na ang perdis ay kumukuha ng mga itlog mula sa pugad ng ibang mga inahin at nililimliman ang mga iyon, sinasabi ng makabagong-panahong mga naturalista na wala sa mga ibong inuuri bilang perdis ang may ganitong kaugalian. Gayunman, binabanggit ng Lexicon in Veteris Testamenti Libros na ang Judiong soologo na si Israel Aharoni (1882-1946), isang manunulat tungkol sa buhay-hayop sa Palestina, ay nakasumpong ng “2 pangingitlog na tig-11 itlog ng 2 magkaibang inahin [na perdis] sa iisang pugad.” (Nina L. Koehler at W. Baumgartner, Leiden, 1958, p. 851) Kaya naman ganito ang sabi ng Encyclopaedia Judaica (1973, Tomo 13, tud. 156): “Kung minsan, dalawang babae ang nangingitlog sa iisang pugad, anupat nananaig ang isa at itinataboy yaong isa; gayunman, hindi kayang limliman ng kaniyang maliit na katawan ang gayon karaming itlog, kung kaya nabubugok ang mga iyon. Ito ang tinutukoy ng kawikaan [sa Jeremias 17:11] nang banggitin nito ang isa na nagnanakaw ng mga pag-aari ng iba bagaman sa dakong huli ay wala siyang anumang napapala.”

Ganito ang sabi ng Jeremias 17:11 sa King James Version: “Gaya ng perdis na umuupo sa mga itlog, at hindi niya napipisa ang mga iyon; gayundin siya na nagkakamit ng kayamanan, at hindi sa matuwid na paraan, iiwan niya iyon sa gitna ng kaniyang mga araw, at sa kaniyang kawakasan ay magiging isang mangmang.” Bilang suporta sa alternatibong interpretasyong ito, nangatuwiran si John Sawyer na “ang punto ay ang mapanganib na kalagayan ng pugad ng perdis, palibhasa’y nakahantad ito sa maraming gumagalang maninila, na inihahalintulad naman sa mapanganib na kalagayan ng mangmang na naglalagak ng kaniyang tiwala sa buktot na pakinabang.” Nagpatuloy siya sa pagsasabi na ang bisa ng kawikaang nasa Jeremias 17:11 ay “hindi nakadepende sa kataksilan ng lumilimlim na perdis, kundi sa mapanganib na kalagayan nito, na inihahalintulad naman sa huwad na katiwasayang nadarama ng mangmang na nag-aakalang malulusutan niya ang kaniyang kriminal na pangangamkam . . . anupat walang kamalay-malay sa mga panganib na nakaamba sa kaniya at walang kalaban-laban kapag sumapit ang kasakunaan.”​—Vetus Testamentum, Leiden, 1978, p. 324, 328, 329.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share