Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Peres, I”
  • Peres, I

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Peres, I
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Parsin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mene
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Sulat-Kamay sa Pader—Nakikita Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Lawing-dagat
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Peres, I”

PERES, I

Ginamit ni Daniel ang salitang Aramaikong ito noong binibigyang-kahulugan niya ang sulat-kamay sa pader na, “MENE, MENE, TEKEL at PARSIN.” (Dan 5:25, 28) Ayon kay Dr. Judah Slotki, ang sulat-kamay na iyon ay nangangahulugang “isang maneh, isang maneh, isang siklo at kalahating mga siklo.” (Soncino Books of the Bible, inedit ni A. Cohen, London, 1951; tingnan din ang Peake’s Commentary on the Bible, inedit nina M. Black at H. H. Rowley, London, 1964, p. 596.) Yamang ang “Peres” ay pang-isahang anyo ng “Parsin,” ito’y mangangahulugan ng “kalahating siklo.”

Noong binibigyang-kahulugan ng propeta ang “Peres,” gumamit siya ng dalawa pang salitang Aramaiko na ginagamitan ng gayunding tatlong katinig ngunit binibigkas sa ibang paraan. “PERES [Peresʹ], ang iyong kaharian ay hinati [peri·sathʹ] at ibinigay sa mga Medo at sa mga Persiano [u·Pha·rasʹ].” Kaya naman, sa kinasihang paliwanag na iyon ay ginamit ang magkatunog na salitang “Peres” at ang salitang-ugat na nangangahulugang “hatiin.” Pinatunayan ng mga pangyayari nang gabing iyon na tumpak ang pakahulugan.​—Tingnan ang PARSIN.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share