PILTAI [pinaikling anyo ng Pelatias, nangangahulugang “Si Jehova ay Naglaan ng Pagtakas”]. Ulo ng makasaserdoteng sambahayan ni Moadias sa panig ng ama na nabuhay pagkaraan ng pagkatapon noong mga araw ng kahalili ni Jesua na si Joiakim.—Ne 12:12, 17.