MOADIAS
[posible, Takdang Panahon (Pangkapanahunang Kapistahan; Kapisanan) ni Jah].
Isang makasaserdoteng sambahayan sa panig ng ama na si Piltai ang ulo noong mga araw ni Joiakim. (Ne 12:12, 17) Iminumungkahi na ang “Moadias” ay ibang anyo ng pangalang “Maadias” at na si Moadias rin ang saserdoteng si Maadias na sumama kay Zerubabel sa Jerusalem pagkatapos ng pagkatapon sa Babilonya.—Ne 12:1, 5.