MAADIAS
[Ginagayakan ni Jah ang Kaniyang Sarili].
Isang saserdote at ulo ng isang sambahayan sa panig ng ama na sumama sa mga bumalik mula sa Babilonya kasama ni Zerubabel. (Ne 12:1, 5) Ang Moadias na binanggit sa Nehemias 12:17 ay maaaring ang tao ring ito.