PIRATON, PIRATONITA
[Ng (Mula sa) Piraton].
Ang Piraton ay isang bayan ng Efraim “sa bundok ng Amalekita.” Maliwanag na ang taong naninirahan sa Piraton ay nakilala bilang isang “Piratonita,” gaya ni Hilel at, nang maglaon, ni Benaias, na isa sa makapangyarihang mga lalaki ni David. Dito inilibing ang anak ni Hilel na si Hukom Abdon. (Huk 12:13, 15; 2Sa 23:8, 30; 1Cr 11:31; 27:14) Ang Farʽata, na mga 10 km (6 na mi) sa K ng iminumungkahing lokasyon ng Sikem, ay iminumungkahi bilang posibleng lokasyon nito.