Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tipunang-tubig”
  • Tipunang-tubig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tipunang-tubig
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Imbakan ng Tubig ng Siloam
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • “Humayo Ka at Maghugas sa Tipunang-tubig ng Siloam”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Tipunang-tubig ng Batis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Siloam
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tipunang-tubig”

TIPUNANG-TUBIG

Ang tipunang-tubig, na isinalin mula sa salitang Hebreo na bere·khahʹ, ay isang malaki at hantad na reservoir na sumasahod at nagsisilbing imbakan ng tubig. Ang artipisyal na mga tipunang-tubig noon ay hinuhukay sa lupa o inuuka sa bato. Kung minsan, ang mga ito ay nasa loob ng mga lunsod at nakakonekta sa mga bukal sa pamamagitan ng mga padaluyan. Sa gayon ay may suplay ng tubig ang mga tumatahan sa lunsod kahit na sa panahon ng pagkubkob. Ang ilang tipunang-tubig ay likas na mga pormasyon, gaya ng yungib, na pinalaki o inayos.

Kabilang sa iba’t ibang tipunang-tubig na binanggit sa Kasulatan ay yaong nasa Gibeon (2Sa 2:13; tingnan ang GIBEON, MGA GIBEONITA), Hebron (2Sa 4:12), Hesbon (Sol 7:4; tingnan ang BAT-RABIM), Samaria (1Ha 22:38), at Jerusalem. Iminumungkahi na marahil ang mga tipunang-tubig na ginawa ng tagapagtipon (si Haring Solomon) para sa patubig ay maiuugnay sa mga reservoir na matatagpuan sa T ng Betlehem. (Ec 2:6) Sa mga reservoir na ito tinipon ang tubig mula sa kalapit na mga bukal.

Mga Tipunang-tubig ng Jerusalem. Ang tinatayang lokasyon ng tipunang-tubig ni Haring Hezekias na karugtong ng padaluyang ginawa niya para dalhin ang tubig ng bukal ng Gihon papunta sa Jerusalem ay ang Tipunang-tubig ng Siloam, ang kasalukuyang Birket Silwan na nasa TK ng Lunsod ni David. (2Ha 20:20; 2Cr 32:30) Lumilitaw na ang unang-siglong Tipunang-tubig ng Siloam (Ju 9:7) ay natagpuan malapit dito, mga 100 m (330 piye) sa TTS ng Birket Silwan.

Ang mga pagtukoy ng Bibliya sa “lumang tipunang-tubig” (Isa 22:11), “mataas na tipunang-tubig” (2Ha 18:17; Isa 7:3; 36:2), at “mababang tipunang-tubig” (Isa 22:9) ay walang ipinahihiwatig tungkol sa eksaktong kinaroroonan ng mga ito may kaugnayan sa lunsod ng Jerusalem. Karaniwang ipinapalagay ng mga iskolar na ang “mababang tipunang-tubig” (marahil ay yaon ding “Tipunang-tubig ng Batis” na binanggit sa Ne 3:15) ay maiuugnay sa Birket el-Hamra na nasa timugang dulo ng Libis ng Tyropoeon. Ngunit iba-iba naman ang opinyon tungkol sa lokasyon ng “mataas na tipunang-tubig.”​—Tingnan ang TIPUNANG-TUBIG NG BATIS.

Maliwanag na ang “Tipunang-tubig ng Hari” ay nasa pagitan ng Pintuang-daan ng mga Bunton ng Abo at ng Pintuang-daan ng Bukal. (Ne 2:13-15) Maaaring ito rin ang tipunang-tubig na binabanggit sa Nehemias 3:16.

Tungkol sa Tipunang-tubig ng Betzata, tingnan ang BETZATA.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share