Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo”
  • Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Si Timoteo—Bagong Katulong ni Pablo
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Pablo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 18:23–21:17) mga 52-56 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Gawa ng mga Apostol—Ikalawang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero (Gaw 15:36–18:22) mga 49-52 C.E.
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo”

FEATURE

Ang Ministeryo ng Apostol na si Pablo

MATAPOS atasan ni Jesus si Pablo upang maging apostol sa mga bansa, buong-sigasig nitong ginampanan ang kaniyang gawain. (Ro 11:13) Nakarating siya sa Ciprus at Asia Minor sa kaniyang unang paglalakbay bilang misyonero. Itinapon siya sa labas ng mga lunsod ng galít na mga mang-uumog, anupat pinagbabato pa nga at iniwan sa pag-aakalang patay na siya. Ngunit bumalik siya upang palakasin yaong mga naging alagad.

Noong kaniyang ikalawang paglalakbay, nakarating siya hanggang sa Macedonia at Gresya. Dito ay nakapagpatotoo siya sa Areopago sa Atenas, gaya ng nakalarawan sa ibaba.

Noong ikatlong paglalakbay ni Pablo, nangaral siya nang mga tatlong taon sa Efeso, isang salubungang-dako ng daigdig na Romano. Pagkatapos ay pumaroon siya sa Macedonia at Gresya upang patibayin ang mga kongregasyon doon.

Habang siya ay bilanggo ng pamahalaang Romano, sinamantala ni Pablo ang panahon sa pagsulat ng kinasihang mga liham na bahagi ng Bibliya sa ngayon.

Unang paglalakbay: Gaw 13:1–14:28

Ikalawang paglalakbay: Gaw 15:36–18:22

Ikatlong paglalakbay: Gaw 18:23–21:19

[Mapa sa pahina 747]

MAPA: Unang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero

[Mapa sa pahina 747]

MAPA: Ikalawang Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero

[Mapa sa pahina 747]

MAPA: Ikatlong Paglalakbay ni Pablo Bilang Misyonero

[Larawan sa pahina 748]

Sa Damasco, sa lansangan na tinatawag na Tuwid. Pagkatapos na makumberte, ang nabulag na si Saul ay inakay patungo sa isang tahanan sa lansangang ito (Gaw 9:3-16)

[Larawan sa pahina 748]

Dulaan sa Efeso kung saan nagkagulo ang mga mananamba ni Artemis (nakasingit na larawan) upang magprotesta laban sa pangangaral ni Pablo (Gaw 19:29-41)

[Larawan sa pahina 748]

Mga guho ng Antioquia sa Pisidia. Pagkatapos ng kaniyang mahusay na pagpapatotoo sa sinagoga rito, itinapon si Pablo ng galít na mga mang-uumog sa labas ng lunsod (Gaw 13:14-50)

[Larawan sa pahina 749]

Kinikilalang lugar ng bilangguan ni Pablo sa Filipos. Si Pablo ay binugbog at ibinilanggo sa lunsod na ito, ngunit ang tagapagbilanggo at ang sambahayan nito ay naging mga Kristiyano (Gaw 16:19-34)

[Larawan sa pahina 749]

Pader ng sinaunang Tesalonica. Nangatuwiran si Pablo mula sa Kasulatan sa mga tagarito, ngunit dahil dito ay pinagkagulo ng galít na mga mang-uumog ang lunsod (Gaw 17:1-9)

[Larawan sa pahina 749]

Mga guho ng sinaunang Corinto, at sa likuran ay ang Acrocorinth. Sinikap ni Pablo na patibayin ang mga Kristiyano sa Corinto laban sa imoral na paraan ng pamumuhay na nakapalibot sa kanila

[Larawan sa pahina 749]

Ang Akropolis sa Atenas gaya ng makikita sa ngayon. Nasa unahan sa gawing kanan ang Areopago, kung saan nagdiskurso si Pablo

Patungo sa Roma bilang isang bilanggo: Gaw 23:11–28:31

[Mapa sa pahina 750]

MAP: Paglalakbay ni Pablo Patungong Roma

[Larawan sa pahina 750]

Si Pablo ay pinabantayan sa isang bahay sa Roma sa loob ng dalawang taon; noong panahong iyon ay sumulat siya ng limang kinasihang liham sa mga kapuwa Kristiyano

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share