RIMON-PEREZ
[Puno ng Granada ni Perez].
Isa sa mga lugar na pinagkampuhan ng Israel sa ilang. Binanggit ito sa pagitan ng Ritma at Libna. (Bil 33:19, 20) Hindi pa natutukoy nang tiyakan kung saan ang lokasyon nito. Gayunman, iminumungkahi ng ilang heograpo ang Naqb el-Biyar, mga 25 km (16 na mi) sa KTK ng hilagaang dulo ng Gulpo ng ʽAqaba.