RISA
[posible, Pagwiwisik].
Isang lugar na pinagkampuhan ng mga Israelita sa ilang. Binanggit ito sa pagitan ng Libna at Kehelata. (Bil 33:21, 22) Hindi tiyak kung saan ang lokasyon ng Risa. Gayunman, iniuugnay ito ng ilan sa Kuntilla (Gerasa), mga 55 km (34 na mi) sa HHK ng hilagaang dulo ng Gulpo ng ʽAqaba.