Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Salem”
  • Salem

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Salem
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Melquisedec
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Mga Tanong Mula sa Mga Mambabasa
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
  • Ang Dumarating na Wakas ng “Aklat ng mga Digmaan ni Jehova”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Salem”

SALEM

[Kapayapaan].

Isang sinaunang lunsod kung saan naging hari at saserdote si Melquisedec. (Gen 14:18) Ang Hebreong baybay ng “Salem,” gaya ng pagkakalakip nito sa pangalang Jerusalem, ay nagpapahiwatig ng isang doblihang anyo anupat ang salita ay maaaring bigyang-katuturan bilang “Dobleng Kapayapaan.” Pinatutunayan ng kinasihang mga salita ng Hebreo 7:2 na ang pangalang ito ay nangangahulugang “Kapayapaan.”

Iniuugnay ng sinaunang tradisyong Judio ang Salem sa Jerusalem, at sinusuportahan ito ng Kasulatan. Si Abraham ay sinalubong ng hari ng Sodoma at ni Melquisedec sa “Mababang Kapatagan ng hari.” Yamang ang anak ni Haring David na si Absalom, pagkaraan ng maraming siglo, ay nagtayo ng isang bantayog doon, malamang na ang mababang kapatagang ito ay malapit sa Jerusalem, ang kabisera ng kaharian. (Gen 14:17, 18; 2Sa 18:18) Sa katunayan, ang salitang “Salem” ay nakalakip sa pangalang “Jerusalem,” at binanggit ito ng salmista kasama ng “Sion.” (Aw 76:2) Gayundin, angkop na si Melquisedec ay maging hari at saserdote sa mismong lugar kung saan naglingkod nang maglaon ang mga haring mula sa Davidikong linya at ang Levitikong pagkasaserdote at kung saan inihandog bilang hain si Jesu-Kristo, ang isa na pinili upang maging hari at saserdote “ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec.”​—Heb 3:1; 7:1-3, 15-17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share