SALMONE
Isang lungos ng Creta, karaniwang iniuugnay sa Cape Sidero sa S dulo ng pulo. Dumaan si Pablo malapit sa Salmone nang maglayag siya noong mga 58 C.E. patungo sa Roma para sa kaniyang paglilitis. Gayunman, lumilitaw na dahil sa malalakas na hangin, ang barko, na nagmula sa Cinido, ay hindi nakapaglayag sa H ng Creta na dumaraan sa timugang dulo ng Gresya patungo sa Roma. Palibhasa’y naipadpad ang sasakyan nang patimog, dumaan ito malapit sa Salmone at naprotektahan laban sa hangin habang naglalayag sa kahabaan ng timugang baybayin ng Creta.—Gaw 27:7.