SEPARVITA, MGA
[Ng (Mula sa) Separvaim].
Taong-bayan ng lunsod ng Separvaim. Pagkatapos ng 740 B.C.E., ang ilan sa mga naninirahan sa Separvaim ay inilipat ng mga Asiryano sa Samaria upang magsilbing mga miyembro ng kolonya roon. Dinala ng mga Separvita ang kanilang huwad na relihiyon, pati na ang paghahain ng kanilang mga anak sa mga diyos na sina Adramelec at Anamelec.—2Ha 17:24, 31-33; 18:34; Isa 36:19.