ADRAMELEC
1. Isang anak ni Haring Senakerib ng Asirya. Pinatay ni Adramelec at ng kaniyang kapatid na si Sarezer ang kanilang ama habang yumuyukod ito sa bahay ng diyos nito na si Nisroc sa Nineve. Pagkatapos ay tumakas sila patungo sa lupain ng Ararat, lumilitaw na sa kinaroroonan ng sinaunang Armenia sa bulubunduking rehiyon sa K ng tinatawag ngayon na Dagat Caspian. (2Ha 19:35-37; Isa 37:36-38) Inilalahad sa isang inskripsiyon ni Esar-hadon, isa pang anak ni Senakerib, na bilang kahalili ng kaniyang ama ay nakipagbaka siya at tinalo niya ang mga hukbo ng mga pumaslang sa kaniyang ama sa Hanigalbat na nasa rehiyong iyon.
2. Isang diyos na sinamba ng mga Separvita, isa sa mga nasupil na bayan na dinala ng hari ng Asirya sa teritoryo ng Samaria pagkatapos niyang dalhin sa pagkatapon ang mga Israelita ng sampung-tribong kaharian. Sinunog ng mga Separvita ang kanilang mga anak sa apoy bilang hain kina Adramelec at Anamelec.—2Ha 17:22-24, 31, 33.