SAREZER
1. Isang anak ng Asiryanong si Haring Senakerib. Ilang panahon pagkaraang talunin ni Jehova ang kaniyang ama, pinatay ni Sarezer at ng kaniyang kapatid na si Adramelec ang kanilang ama sa pamamagitan ng tabak habang yumuyukod ito sa idolong diyos nito, pagkatapos nito ay tumakas sila patungo sa lupain ng Ararat. (2Ha 19:7, 35-37; Isa 37:38) Sa isang inskripsiyon, inaangkin ng kapatid nilang si Esar-hadon, ang kahalili ni Senakerib, na tinugis niya ang mga pumaslang sa kaniyang ama.—Tingnan ang ESAR-HADON.
2. Ang unang binanggit sa dalawang kinatawang isinugo ng Bethel pagkaraan ng pagkatapon, mga dalawang taon bago matapos ang muling pagtatayo ng templo, upang “palambutin ang mukha ni Jehova” at sumangguni tungkol sa pagiging angkop ng pag-aayuno.—Zac 7:1-3; Ezr 6:15.