SAVE, MABABANG KAPATAGAN NG
Ang “Mababang Kapatagan ng hari,” kung saan si Abraham, na nagtagumpay laban kay Kedorlaomer at sa mga kaalyado nito, ay sinalubong ng hari ng Sodoma at tumanggap ng pagpapala mula kay Melquisedec na hari ng Salem. (Gen 14:17-24) Pagkaraan ng maraming siglo, si Absalom ay nagtayo ng kaniyang bantayog sa “Mababang Kapatagan ng Hari,” na waring ang lugar ding ito at malamang ay malapit sa Jerusalem. (2Sa 18:18) Ayon kay Josephus, ang Bantayog ni Absalom ay “may layo na dalawang estadyo [370 m; 1,214 na piye] mula sa Jerusalem.” (Jewish Antiquities, VII, 243 [x, 3]) Gayunman, hindi matiyak sa ngayon kung saan ang eksaktong lokasyon ng Mababang Kapatagan ng Save.