SEREBIAS
[posibleng nangangahulugang “Si Jah [ay Nagpasapit ng] Nakapapasong Init”].
1. Isang prominenteng Levita na bumalik sa Jerusalem kasama ni Zerubabel noong 537 B.C.E.—Ne 12:1, 8.
2. Isang Levita na nagmula kay Mahali; “isang lalaking may karunungan” na tinawag upang sumama kay Ezra sa paglalakbay nito patungong Jerusalem noong 468 B.C.E. (Ezr 8:17, 18) Malamang na siya rin ang “pinuno ng mga saserdote” na binanggit sa Ezra 8:24, isa sa mga pinagkatiwalaang magdala sa Jerusalem ng mahahalagang bagay na iniabuloy upang gamitin sa templo.—Ezr 8:25-30.
3. Isang Levita na tumulong kay Ezra sa pagbabasa at pagpapaliwanag ng Kautusan sa nagkakatipong bayan sa Jerusalem pagkatapos na muling maitayo ang pader noong 455 B.C.E. (Ne 8:2, 7, 8) Nang maglaon, nang buwan ding iyon, muli silang nagtipon at si Serebias ay nakisama sa pagpapanukala ng “isang mapagkakatiwalaang kaayusan,” na pinagtibay ng bansa, anupat nangangako na mananatiling tapat kay Jehova. (Ne 9:1, 4, 5, 38) Maaaring ang Serebias ding ito ang Levita sa Blg. 2, na personal na nagpatotoo sa tipan, o maaaring isa siyang kinatawan ng isang pamilya na may gayong pangalan, na marahil ay nagmula sa Blg. 1.—Ne 10:1, 9, 12; 12:24.