SILOA
[Tagapagpadala].
Waring ang pangalang Siloa ay tumukoy sa isang padaluyan o kanal sa Jerusalem. Isang sinaunang kanal ang umaagos mula sa bunganga ng yungib ng Bukal ng Gihon pababa sa Libis ng Kidron. Lumiligid ito sa dulo ng TS burol at nagtutungo sa isang tipunang-tubig sa pinagsasalubungan ng mga libis ng Hinom at Tyropoeon. Palibhasa’y may dahilig na mga 4 o 5 mm bawat metro (wala pang 0.2 pulgada bawat yarda), ang agos ng kanal na ito ay mabagal at banayad, na tumutugma sa “tubig ng Siloa na umaagos nang banayad.” Sa Isaias 8:6, ang pagtukoy sa “tubig ng Siloa” ay makasagisag at lumalarawan sa pinagmumulan ng tunay na kaligtasan at katiwasayan.