Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Shilo” Blg. 1 ¶1-Blg. 2 ¶5
  • Shilo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Shilo
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Nagpupunta sa Shiloh—Ang mga Batang Mabubuti at Masasama
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Lebona
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Shilonita
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Magpakalakas-Loob na Gaya ni Jeremias
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Shilo” Blg. 1 ¶1-Blg. 2 ¶5

SHILO

[Siya na Nagmamay-ari Nito; Siya na Kinauukulan Nito].

1. Sa pagbigkas ng pagpapala kay Juda, sinabi ng patriyarkang si Jacob bago siya mamatay: “Ang setro ay hindi lilihis mula kay Juda, ni ang baston ng kumandante mula sa pagitan ng kaniyang mga paa, hanggang sa dumating ang Shilo; at sa kaniya mauukol ang pagkamasunurin ng mga bayan.” (Gen 49:10) Pasimula sa pamamahala ng Judeanong si David, ang kapangyarihang mamahala (ang baston ng kumandante) at ang maharlikang soberanya (ang setro) ay naging pagmamay-ari ng tribo ni Juda. Magpapatuloy ito hanggang sa dumating ang Shilo, nagpapahiwatig na ang maharlikang linya ni Juda ay magtatapos sa Shilo bilang ang permanenteng tagapagmana. Sa katulad na paraan, bago ang pagbagsak ng kaharian ng Juda, ipinahiwatig ni Jehova sa huling haring Judeano, si Zedekias, na ang pamamahala ay ibibigay sa isa na may legal na karapatan. (Eze 21:26, 27) Maliwanag na ito ang Shilo, yamang ang pangalang “Shilo” ay nangangahulugang “Siya na Nagmamay-ari Nito; Siya na Kinauukulan Nito.”

Pagkaraan ng maraming siglo, si Jesu-Kristo ang tanging inapo ni David na pinangakuan ng pagkahari. Bago ipanganak si Jesus, sinabi ng anghel na si Gabriel kay Maria: “Ibibigay sa kaniya ng Diyos na Jehova ang trono ni David na kaniyang ama, at siya ay mamamahala bilang hari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman, at hindi magkakaroon ng wakas ang kaniyang kaharian.” (Luc 1:32, 33) Kung gayon, tiyak na ang Shilo ay si Jesu-Kristo, “ang Leon na mula sa tribo ni Juda.”​—Apo 5:5; ihambing ang Isa 11:10; Ro 15:12.

Hinggil sa pangmalas ng sinaunang mga Judio tungkol sa Genesis 49:10, isang Commentary na inedit ni F. C. Cook (p. 233) ay nagsabi: “Ang hulang ito ay ipinatutungkol ng lahat ng mga Judio noong sinaunang panahon sa Mesiyas. Kaya ang nasa Targum ni Onkelos ay ‘hanggang sa pagdating ng Mesiyas, na sa kaniya ang kaharian;’ sa Jerusalem Targum naman ay ‘hanggang sa panahon na dumating ang haring Mesiyas, na sa kaniya ang kaharian.’ . . . Gayundin sa Babilonyong Talmud (‘Sanhedrim,’ cap. II. fol. 982), ‘Ano ang pangalan ng Mesiyas? Ang kaniyang pangalan ay Shilo, sapagkat nasusulat, Hanggang sa dumating ang Shilo.’⁠”

2. Isang lunsod na nasa teritoryo ng Efraim at nasa “hilaga ng Bethel, sa dakong silangan ng lansangang-bayan na paahon mula Bethel tungo sa Sikem at sa dakong timog ng Lebona.” (Huk 21:19) Ang lokasyon ng Shilo na tinatanggap ng karamihan ay ang Khirbet Seilun (Shillo), mga 15 km (9.5 mi) sa HHS ng Bethel. Ang lugar na ito ay tumutugma sa paglalarawan ng Bibliya. Ito ay nasa isang burol at, maliban sa isang libis sa dakong TK, napalilibutan ito ng mas matataas na burol.

Pagkatapos maitayo ang tabernakulo sa Shilo (Jos 18:1), ang paghahati-hati ng lupain sa mga Israelita ay tinapos mula roon. (Jos 18:1–21:42) Kasunod ng paghahati-hati ng lupain, ang mga tribo sa S ng Jordan ay nagtayo ng isang altar sa tabi ng ilog na iyon. Sa pag-aakalang iyon ay isang pag-aapostata, ang iba pang mga tribo ay nagtipon sa Shilo upang makipaglaban sa kanila. Gayunman, nang maipaliwanag na ang altar ay ginawa bilang isang pinakaalaala ng katapatan kay Jehova, napanatili ang mapayapang ugnayan.​—Jos 22:10-34.

Nang maglaon, kumilos ang 12,000 magigiting na mandirigmang Israelita upang parusahan ang mga tumatahan sa Jabes-gilead dahil sa hindi pagsama ng mga ito sa pakikipagbaka laban sa mga Benjamita. Gayunman, 400 dalaga mula sa Jabes-gilead ang dinala sa Shilo at nang dakong huli ay ibinigay sa mga Benjamita. Tinagubilinan din ang mga Benjamita na kumuha ng iba pang mga asawa mula sa mga anak na babae ng Shilo, anupat sapilitang tinangay ang mga iyon habang nakikibahagi sa paikut-ikot na sayaw na nauugnay sa taunang kapistahan kay Jehova na idinaraos sa Shilo.​—Huk 21:8-23.

Sa kalakhang bahagi ng yugto na saklaw ng aklat ng Mga Hukom, kung hindi man sa kabuuan niyaon, ang tabernakulo ay nanatili sa Shilo. (Huk 18:31; 1Sa 1:3, 9, 24; 2:14; 3:21; 1Ha 2:27) Di-katagalan bago mamatay ang mataas na saserdoteng si Eli, habang nakikipaglaban ang mga Israelita sa mga Filisteo, kinuha nila ang Kaban mula sa tabernakulo at dinala ito sa lugar ng pagbabaka, anupat nagtitiwalang magtatagumpay sila dahil sa presensiya nito. Gayunman, hinayaan ni Jehova na mabihag ng mga Filisteo ang Kaban. Palibhasa’y hindi na ito naibalik sa Shilo, ipinahihiwatig nito na pinabayaan na ni Jehova ang Shilo, yamang ang Kaban ay kumakatawan sa kaniyang presensiya. (1Sa 4:2-11) Ang pagpapabaya sa Shilo ay tinukoy ng salmista (Aw 78:60, 61; ihambing ang 1Sa 4:21, 22) at ginamit sa hula ni Jeremias upang ilarawan kung ano ang gagawin ni Jehova sa templo sa Jerusalem.​—Jer 7:12, 14; 26:6, 9.

Noong ikasampung siglo B.C.E., ang propetang si Ahias ay nanirahan sa Shilo. (1Ha 12:15; 14:2, 4) Pagkatapos ng pagpaslang kay Gedalias, noong 607 B.C.E., ilang lalaki mula sa Shilo (maaaring mula sa lunsod o sa rehiyong iyon) ang pumaroon sa Jerusalem upang maghain.​—Jer 41:5.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share