KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | JEREMIAS 25-28
Magpakalakas-Loob na Gaya ni Jeremias
Nagbabala si Jeremias na mawawasak ang Jerusalem na gaya ng Shilo
Ang kaban ng tipan, na kumakatawan sa presensiya ni Jehova, ay minsang iningatan sa Shilo
Hinayaan ni Jehova na mabihag ng mga Filisteo ang Kaban, at hindi na ito naibalik sa Shilo
Si Jeremias ay pinagbantaang papatayin ng mga saserdote, propeta, at ng buong bayan
Sinunggaban ng mga tao si Jeremias dahil sa kaniyang panghuhula laban sa Jerusalem at sa templo
Hindi huminto si Jeremias sa paglilingkod kay Jehova at hindi siya tumakas
Pinrotektahan ni Jehova si Jeremias
Nanatiling masigasig si Jeremias, at hindi siya pinabayaan ni Jehova
Pinakilos ng Diyos ang matapang na si Ahikam para protektahan si Jeremias
Dahil sa tulong at pampatibay-loob ni Jehova, naipahayag ni Jeremias sa loob ng 40 taon ang mensaheng hindi nagustuhan ng marami