Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Simeita, Mga”
  • Simeita, Mga

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Simeita, Mga
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Gersonita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Libnita, Mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Simei
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Gerson
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Simeita, Mga”

SIMEITA, MGA

[Ni (Kay) Simei].

Mga inapo ni Simei, ang anak ni Gerson at apo ni Levi. (Exo 6:16, 17) Nang kunin ang unang sensus sa ilang, ang mga Simeita at mga Libnita (“ang mga pamilya ng mga Gersonita”) ay may mga rehistrado na may kabuuang bilang na 7,500. (Bil 3:20b-22) Ang mga Simeita ay nagkampong kasama ng mga Libnita sa “likuran ng tabernakulo,” samakatuwid nga, sa dakong K. Bilang mga Gersonita, kabilang sa kanilang Levitikong mga tungkulin ang pagbubuhat, pagtatayo, at pagmamantini ng tabernakulo at ng mga pantakip nito, gayundin ng mga tabing ng looban, ng mga pantabing (kapuwa sa pasukan ng looban at sa tolda), at ng mga pantoldang panali.​—Exo 26:1, 7, 14, 36; 27:9, 16; Bil 3:23-26.

Si Simei ay nagkaroon ng apat na anak​—sina Jahat, Zina, Jeus, at Berias. Ngunit yamang ang dalawa na huling nabanggit ay hindi nagkaroon ng maraming anak, nagsama sila upang maging “isang sambahayan sa panig ng ama ng isang nanunungkulang pangkat.” Binanggit ito noong panahon ni David nang waring hinati-hati sa tatlong pamilyang ito ang iniatas na paglilingkod ng mga Simeita sa tabernakulo. (1Cr 23:6, 7, 10, 11) Sa hula ni Zacarias ay pantanging ibinilang ang pamilya ng mga Simeita sa mga humahagulhol nang may kapaitan dahil sa “Isa na kanilang inulos,” isang hula may kaugnayan kay Jesus.​—Zac 12:10-13; Ju 19:37.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share