SHULAMITA
Katawagan sa magandang dalagang probinsiyana na pangunahing tauhan sa Awit ni Solomon (6:13). Malamang na inilalarawan siya ng titulong ito bilang tagalunsod ng Sunem (makabagong Sulam). (Ihambing ang 1Ha 1:3.) Sinusuportahan ng Griegong Septuagint (Vatican Manuscript No. 1209) ang pangmalas na ito yamang tinawag nitong “Sunamita” ang dalagang ito. Gayundin, tinukoy ng eklesyastikal na manunulat na si Eusebius ang Sunem bilang Sulem.—Onomasticon, 158, 11.