SOSIPATRO
[Pagliligtas sa Ama].
Isang kasamahan ni Pablo noong siya ay nasa Corinto, na inilarawan ng apostol bilang ‘aking kamag-anak,’ at na ang mga pagbati ay ipinadala mula sa Corinto sa liham ni Pablo sa mga taga-Roma. (Ro 16:21) Maaaring siya rin ang Sopatro na binanggit sa Gawa 20:4 bilang kasama ni Pablo sa Gresya.