PINAGGAPASAN
[sa Ingles, stubble].
Ayon sa pagkakagamit sa Bibliya, lumilitaw na ang pinaggapasan ay tumutukoy sa bahagi ng mga tangkay ng butil na naiiwan sa bukid pagkatapos ng pag-aani. Mga pinaggapasan ang tinipon ng mga Israelita nang ipahinto ng Paraon ng Ehipto ang regular na paglalaan sa kanila ng dayami para sa paggawa ng mga laryo.—Exo 5:10-12.
Maraming ulit na lumilitaw ang pinaggapasan sa makatalinghagang mga tagpo, anupat binabanggit na ito ay magaan at marupok (Job 13:25; 41:1, 28, 29), madaling tangayin ng hangin (Isa 40:24; 41:2; Jer 13:24), at mabilis at maingay na nagniningas. (Isa 5:24; Joe 2:5; Ob 18; Na 1:10). Ang mga balakyot, ang mga kaaway ni Jehova, ay inihahalintulad sa pinaggapasan, gayundin ang mga pakanang hindi magtatagumpay. (Exo 15:7; Aw 83:13; Mal 4:1; Isa 33:11) Nang tinatalakay ng apostol na si Pablo ang gawaing pagtatayo ng mga Kristiyano, binanggit niya ang dayami bilang materyales na pinakawalang-halaga sa lahat, isang materyales na hindi makatatagal sa pagsubok sa apoy.—1Co 3:12, 13.