DAYAMI
Ang mga natuyong tangkay ng mga butil na gaya ng trigo at sebada; sa Bibliya, partikular itong tumutukoy sa tangkay ng butil na naiiwan ng paggigiik. Noong sinauna, ang dayami, ito lamang o inihahalo sa iba pang pakain, ay ginagamit bilang kumpay para sa mga alagang hayop. (Gen 24:25, 32; Huk 19:19; 1Ha 4:28; Isa 11:7; 65:25) Ginagamit din noon ang dayami sa paggawa ng mga laryo. (Exo 5:7-18; tingnan ang LARYO.) Lumilitaw ito sa makatalinghagang mga tagpo anupat tumutukoy sa pagkapuksa ng balakyot (Job 21:18) at sa pagkasupil at pagkakababa ng Moab. (Isa 25:10-12) Sa paglalarawan sa makapangyarihang Leviatan, binabanggit na ang bakal ay itinuturing nitong gaya lamang ng dayami.—Job 41:1, 27.