Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Tirza”
  • Tirza

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tirza
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Arza
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Samaria—Kabisera sa Gitna ng mga Kabisera sa Hilaga
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Omri
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Zimri
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Tirza”

TIRZA

[mula sa salitang-ugat na nangangahulugang “malugod; sang-ayunan”].

1. Isa sa limang anak na babae ng Manasitang si Zelopehad at kapanahon nina Moises at Josue.​—Bil 26:29, 33; 27:1-7; 36:11, 12; Jos 17:3, 4.

2. Isang lunsod sa Samaria. Ang arkeolohikal na katibayan ay waring pumapabor na iugnay ito sa Tell el-Farʽah, na mga 10 km (6 na mi) sa HHS ng Sikem.

Sa ilalim ng pangunguna ni Josue, tinalo ng mga Israelita ang hari ng Tirza. (Jos 12:7, 24) Pagkaraan ng maraming siglo, inilipat ni Jeroboam, na unang hari ng hilagang kaharian, ang kaniyang tirahan sa Tirza. (Ihambing ang 1Ha 12:25; 14:17.) Maliwanag na ang Tirza pa rin ang kabisera ng hilagang kaharian noong panahon ng mga paghahari ng anak ni Jeroboam na si Nadab (1Ha 15:25-28) at ng mga humalili sa kaniya na sina Baasa, Elah, at Zimri. (1Ha 15:33; 16:5, 6, 8, 15) Ang huling nabanggit na hari, si Zimri, ay nagpatiwakal sa Tirza nang mabihag ni Omri ang lunsod. (1Ha 16:17-20) Pagkatapos maghari sa Tirza sa loob ng anim na taon, itinayo ni Omri ang Samaria at ginawa niyang kaniyang kabisera ang lunsod na iyon. (1Ha 16:23, 24, 29) Pagkaraan ng mahigit na 150 taon, pinatay ni Menahem, na naninirahan sa Tirza, si Salum at naging hari siya sa Samaria.​—2Ha 15:14, 17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share