Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Bantayan”
  • Bantayan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bantayan
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Galeed
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Laban
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Gumawa ng Kasunduan sina Jacob at Laban Para sa Kapayapaan
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2020
  • Pinahalagahan ni Jacob ang Espirituwal na mga Simulain
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Bantayan”

BANTAYAN

Isang lugar kung saan nagguguwardiya o nagmamasid ang isang tanod, kadalasang itinatayo sa pader ng lunsod. (Tingnan ang TORE.) Ang ibang bantayan ay itinayo sa mga lugar ng ilang o sa mga hanggahan. Ang mga ito ay pangunahin nang dinisenyo para sa mga layuning pangmilitar at upang ipagsanggalang ang isang lunsod o hangganan. Itinayo rin ang mga ito bilang mga lugar ng kanlungan para sa mga pastol at mga magsasaka sa nakabukod na mga lugar; dahil sa mga ito, ang mga bantay ay makapagbibigay-babala laban sa mga mandarambong upang maipagsanggalang ang mga kawan at nahihinog na mga pananim sa lugar na iyon.​—2Cr 20:24; Isa 21:8; 32:14.

Maraming lunsod ang pinanganlang Mizpe (sa Heb., mits·pehʹ, “Bantayan”), malamang ay dahil nasa matataas na dako ang mga ito o dahil sa bantog na mga toreng itinayo roon. Kung minsan, pinag-iiba-iba ng Bibliya ang mga lunsod na ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa kanilang lokasyon, gaya ng “Mizpe ng Gilead” (Huk 11:29) at “Mizpe sa Moab.”​—1Sa 22:3.

Isang bunton ng mga bato ang itinindig ni Jacob at tinawag na “Galeed” (nangangahulugang “Bunton na Saksi”) at “Ang Bantayan.” Pagkatapos ay sinabi ni Laban: “Si Jehova nawa ang magbantay sa akin at sa iyo kapag hindi natin nakikita ang isa’t isa.” (Gen 31:45-49) Ang bunton na ito ng mga bato ang magpapatotoo na nagbabantay si Jehova upang matiyak na tinutupad ni Jacob at ni Laban ang kanilang tipan ng kapayapaan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share