PAKWAN
[sa Heb., ʼavat·tiʹach].
Isang malaking prutas na biluhaba o bilog na matigas ang balat, maraming buto, at may matamis na ubod na lubhang matubig. Isa ito sa mga pagkain na ninasa ng haluang pulutong at ng mga Israelita habang nasa ilang sila pagkaalis nila sa Ehipto. (Bil 11:4, 5) Ang mga pakwan (Citrullus vulgaris) ay matagal nang itinatanim sa Ehipto at sa iba pang bahagi ng Gitnang Silangan.