Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g90 2/8 p. 24-27
  • Kahoy na Tumutulong Upang ang mga Tao’y Manatiling Gising!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kahoy na Tumutulong Upang ang mga Tao’y Manatiling Gising!
  • Gumising!—1990
  • Kaparehong Materyal
  • Papel—Ang Maraming-Gamit na Produktong Iyon!
    Gumising!—1986
  • Ang Imposibleng Ideya na Opisinang Walang Papel
    Gumising!—1999
  • Papel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Kahanga-hangang “Puno ng Buhay” ng Aprika
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1990
g90 2/8 p. 24-27

Kahoy na Tumutulong Upang ang mga Tao’y Manatiling Gising!

Ng kabalitaan ng Gumising! sa Sweden

ANG paglilimbag ng magasing Gumising! na hawak mo ngayon ay lubhang nakasalalay sa isang pamamaraan na nagsisimula sa isang gubat. Ang mga katawan ng puno ay naglalaan ng mga hilaw na materyales para sa papel. Ganito ito nagsisimula. Subalit ngayon ay maglilibot tayo sa pamamagitan ng larawan at ating titingnan kung papaanong ang isang puno ay nagiging isang magasin tulad ng Gumising!

Ang kagamitan sa unang larawan ay isang modernong felling machine, isang processor, na nasa akto. Hindi lamang nito pinuputol ang mga punungkahoy kundi inaalis din nito ang mga sanga. At, nilalagari nito ang mga troso sa tamang laki. Ang kahoy ay dinadala ng trak o tren sa isang gilingan ng papel. Ang isang punúng-punông trak ay nagdadala ng 20 tonelada sa isang hatiran. Sa isang gilingan ng papel na binisita ng Gumising! para sa ulat na ito, ang paghahatid ng kahoy ay nagaganap tuwing 15 minuto sa maghapon. Ang buong seksiyon ay madaling naididiskarga ng napakalaking mekanikal na mga pang-ipit, na makikita sa huling larawan sa pahina 25.

Marami sa gayong punungkahoy ang kinakailangan para sa isang labas lamang ng Gumising! Yamang maraming papel ang nagagamit bawat taon, maraming mga puno ang kailangang putulin. Gayunman, ito ay isang kontroladong mainam na pamamaraan sa Sweden. Pinapayagan ng mga autoridad ang pagputol kung katumbas na lawak din ang matatamnang muli, at sa paraang ito, ang mga kagubatan ng Sweden ay patuluyang natatamnan.

Ipinakikita ng larawan sa pahina 25 ang pamamaraan sa loob ng makina ng papel. Ang masa (pulp) ay isinusubo sa isang dulo, at lumalabas naman ang papel sa kabilang dulo. Subalit paano ba ginagawa ang masa?

Una muna’y pinuputol ang kahoy sa tamang-tamang laki, at ang balat nito ay inaalis at inilalagay sa malaking mga bariles. Pagkatapos ay automatikong ibinubukod ang mga kahoy ayon sa kapal at haba. Ang mga kahoy na nakatutugon sa pamantayan ay ginagawang groundwood pulp ng gilingan. Ang masang ito ang isa sa apat na magkakaibang uri na ginagamit ng gilingang ito sa paggawa ng papel. Ang natitirang kahoy ay pinuputol na pira-piraso at ginagamit upang gumawa ng thermomechanical pulp at sulfite pulp. Ang ikaapat na uri ng masa ay galing sa niresiklong papel.

Ang groundwood pulp ay ginagawa sa pamamagitan ng paggiling, sa ilalim ng presyon at sa pagitan ng malalaking gilingang bato, sa kahoy na may tubig. Ang resulta ay ang gawang makinang masa.

Ang thermomechanical pulp ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpino sa mga pira-pirasong kahoy sa ilalim ng matinding presyon at init upang ang mga hibla ay magkahiwa-hiwalay sa isa’t isa. Ito ay nagbibigay ng mas mahahaba at mas matitibay na mga hibla kaysa ginawa sa mekanikal na paraan.

Ang sulfite pulp ay ginagawa sa kemikal na pamamaraan. Ito ay inihahanda sa malalaking sisidlan na bumubulok sa mga tatal ng kahoy sa pamamagitan ng pagpapakulo rito sa magnesium bisulfite, katulad ng sa pressure cooker. Ito ang gumagawa ng pinakamatibay na masa sa mga naunang tatlong uri.

Ang ikaapat na uri, ang masa mula sa niresiklong papel, ay ginagawa matapos na ang gamít nang papel ay naging masa at wala na ang dating tinta at kola nito.

Sa katapusan, ang malalaking rolyo ng papel ay pinuputol sa winder ayon sa espisipikasyon ng mga mamimili at saka iniimpake. Ang nakumpletong mga rolyo ay muling ibinubukod ayon sa destinasyon at saka inilululan sa trak, tren o bapor upang ihatid sa mamimili.

Ang papel ay nakarating na ngayon sa palimbagan sa Arboga. Ang rolyo ay ipinapasok sa isang makina na pumuputol sa papel sa tamang laki para sa bagong full-color sheetfed press ng Sweden. Ang bagong imprentang ito ay may kakayahang mag-imprenta ng 15,000 kopya sa isang oras.

Ang bawat labas ay ipinadadala sa mga suskritor sa Sweden at sa ibang bansa. Karagdagan pa, buntun-buntong mga sipi para naman sa pamamahagi sa madla ang ipinadadala sa daan-daang mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa buong bansa. Libu-libong mga sipi mula sa mga buntong ito ang naipamamahagi ng mga Saksi sa kanilang pagdalaw sa mga tahanan ng mga tao o sa kanilang natatagpuan saanmang dako.

Oo, ang katawan ng punong iyan sa gubat ay nakarating na sa kaniyang huling patutunguhan​—ang magasing Gumising! Pakisuyong pansinin na ang Gumising! ay naglalaman ng mga artikulo na nagbabalita at gumigising sa mga mambabasa upang makita ang kahulugan ng mga pangyayari sa daigdig sa liwanag ng hula sa Bibliya. Sa gayo’y tinutulungan nito ang mga mambabasa upang matuto tungkol sa Maylikha ng tao at sa Kaniyang layunin para sa ating panahon. Ang gayong kaalaman ang tutulong sa iyo na maunawaan ang kahulugan ng nangyayari sa ating panahon at tutulong din sa iyo na magtayo ng matatag na pag-asa sa mas mabuting kinabukasan.

[Kahon/Dayagram sa pahina 25]

Ang Makina ng Papel

A. Para ng lugaw ang masa pagdating nito sa makina ng papel at ito ay ikinakalat sa latag na may ilang metro ang lapad sa isang wire-gauze conveyor belt. Sa puntong ito ang masa ay halos 99 porsiyentong tubig. Karamihan sa tubig na ito ang maaalis sa panahon ng paglalakbay sa makina, na humigit-kumulang 70 metro ang haba.

B. Ang dami ng tubig ay nababawasan ng hanggang 60 porsiyento sa seksiyon ng imprenta. Ang tubig ay pinipiga sa mekanikal na paraan kadalasa’y kasabay ng vacuum suction.

C. Sa seksiyon ng pagpapatuyo, ang suson ng papel ay pinatutuyo sa mga silindrong iniinit-ng-singaw.

D. Ang pagpapakintab ang nagpapakinis ng higit sa papel, at ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagpaparaan ng mga papel sa pagitan ng mga pamipis. Mga 5 porsiyento na lamang ng tubig ang natitira kapag ang papel ay pinulupot na sa wakas sa mga rolyo.

[Dayagram]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Head box Wire part Press section Drying section Glazing

Wet end Reeling

[Mga larawan sa pahina 26]

Ang sangay sa Arboga, Sweden

Mga rolyo ng papel na isinasalansan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share