MASIGASIG, ANG
Isang katawagan na nagpapaiba sa apostol na si Simon mula sa apostol na si Simon Pedro at maliwanag na katumbas ng terminong “Cananeo” na ginamit nina Mateo at Marcos. (Mat 10:4; Mar 3:18; Luc 6:15; Gaw 1:13) Ang pagtawag kay Simon bilang “ang masigasig” ay hindi naman nangangahulugan na dati siyang kasama sa pulitikal na pangkat na tinatawag na mga Zealot. Maaaring ang katawagang iyon ay isa lamang bansag na angkop sa kaniyang personalidad.