SITARA
Ang Bibliya ay hindi nagbibigay ng paglalarawan sa panugtog na tinutukoy ng salitang Aramaiko bilang qath·rohsʹ, ngunit malamang na isa itong uri ng panugtog na de-kuwerdas. Kung ang terminong ito ay nauugnay sa salitang Griego na ki·thaʹra (isang panugtog na de-kuwerdas), na pinagkunan ng maraming salitang Ingles, kabilang na ang “zither,” kung gayon, ang “sitara” ay isang malapit-lapit na transliterasyon nito. Ang qath·rohsʹ ay isa sa mga panugtog sa orkestra ni Nabucodonosor.—Dan 3:5, 7, 10, 15.