Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 6/15 p. 30-31
  • Mga Bagong Misyonero—Inihanda sa Tagumpay sa Larangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Bagong Misyonero—Inihanda sa Tagumpay sa Larangan
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Graduwasyon ng Ika-83 Klase ng Gilead Tunay na Isang Masayang Okasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Isang Bagong Tahanan Para sa Paaralang Misyonero ng Gilead
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Matagumpay na mga Estudyante na Naging Matagumpay na mga Misyonero
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Higit Pang mga Misyonero Para sa Pandaigdig na Pag-aani
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 6/15 p. 30-31

Mga Bagong Misyonero​—Inihanda sa Tagumpay sa Larangan

GANIYAN na lang ang kagalakan ng 2,121 katao na nagtipon noong Linggo ng umaga, Setyembre 9, 1984, sa Queens, New York, Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses. Bakit? Dahil sa pagtatapos ng 37 estudyante ng ika-77 klase ng Watchtower School of Gilead. Bakit ganoon na lang ang kasayahan? Dahil sa ang mga graduwasyong ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga nagsisidalo na makarinig ng makapagpapatibay na mga pahayag mula sa responsableng mga miyembro ng punong-tanggapan ng Watchtower Society, at makapanood mga drama sa Bibliya at iba pa, at makibahagi sa kagalakan ng mga estudyante sa kanilang atas misyonero. Lahat ng naroroon ay hindi nabigo.

Ang unang nagpahayag sa umaga ay si A. D. Schroeder, miyembro ng lupong tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova at sinabi niya, “Kasabihan ng Dad ko, ‘kung mayroon kang dapat gawing trabaho, kumuha ka ng dapat na mga kagamitan at tapusin mo ang trabaho agad-agad​—huwag mong iiwanan nang hindi natatapos.” At sinabi niya na mayroon na ngayon ang mga estudyante ng mga kagamitan, kasali na roon ang mga literatura sa Bibliya ng Samahan bukod sa kaalaman na nakamit nila sa limang-buwang kurso nila. At siya’y naglahad ng halimbawa ng mabungang mga misyonero na ngayon ay matagumpay sa kanilang mga pinuntahang bansa.

Si Jack Redford, isa sa mga instruktor sa Gilead, ay nagsabi: “Ang matagumpay na mga misyonero ay gumagamit ng kanilang utak.” Tungkol sa utos sa Mateo 22:37 na ‘ibigin ang Diyos ng inyong buong isip,’ ipinakita niya kung paano magagawa iyan ng mga misyonero. Bilang halimbawa, binanggit ni Redford ang mainam na pag-iingat ng kalusugan ng isang mag-asawang misyonero na nadistino sa isang panig ng Aprika. Pinuri rin niya ang isang misyonera sa Chile na nagtiyagang mangaral bagamat siya’y nabingi. “Kayong mga estudyante ay mapapaharap din sa gayong mga hamon,” sabi ni Redford. “Subalit bawat hamon ay maaaring lumabas na mabuti, depende sa kung paano ninyo haharapin iyon.” “Mag-isip kayo,” ang payo ni Redford.

Iyon namang isang instruktor sa Gilead, si U. V. Glass, ay nagbigay din ng praktikal na payo. Inihalintulad niya ang mga estudyante sa mga punla sa isang punlaan, at sinabi niya na ngayon sila ay ililipat sa ibang dako, ngunit dapat nilang “panatilihin na ang kanilang ugat ay nakakapit sa teokratikong lupa.” Pinayuhan niya ang mga estudyante na huwag magkaroon ng balat-sibuyas o masiraan ng loob pagka napaharap sa mga pagsubok. Pagkatapos ay minungkahi niya kung paano mapapagtagumpayan ang mga kagipitan sa buhay misyonero. Si John E. Barr, isang miyembro ng Lupong Tagapamahala, ay nagpaalaala sa mga estudyante na isa sa pinakamahalagang bagay na dadalhin nila sa kanilang assignment ay “ang kagalakan ni Jehova.” (Nehemias 8:10) “Harinawang mabahaginan nito ang puso ng daan-daang pang iba,” aniya. Si Leon Weaver ay nagpayo sa mga estudyante na maging mga halimbawa ng pag-iibigan at pananampalataya, kasuwato ng 1 Timoteo 4:12. At si Eldor Timm ay nagpatibay-loob sa kanila na magkaroon din ng saloobin na “ibig ko” gaya ng tinaglay ni Jesus nang kaniyang tulungan ang mga tao.​—Marcos 1:40, 41.

Ang huling tagapagpahayag ng umagang iyon ay si F. W. Franz, presidente ng Watchtower Bible School of Gilead, na nagpahayag sa temang “Pagpapasulong ng Pinakamagaling na Pagkakaibigan sa Buong Sansinukob.” Pinaliwanag niya na sang-ayon sa ugat na kahulugan, ang mga salitang Hebreo at Griego para sa “kaibigan” ay maaaring isaling “mangingibig,” at sinabi ni Franz na ang mga estudyante ay magtatamo ng mga tunay na kaibigan sa pamamagitan ng tunay na pag-ibig sa mga taong pinaglilingkuran nila sa kanilang bagong teritoryo. Subalit huwag na huwag, idiin pa ni Franz, na pababayaan nila ang pinakamagaling na pakikipagkaibigan sa lahat, yaong sa Diyos na Jehova.

Bilang pagtatapos sa umagang sesyon, ang tserman ng programa, si L. K. Greenless, ang nagbigay ng mga diploma. Natuwa ang mga tagapakinig nang sabihin na ang mga nagtapos na ito buhat sa 7 bansa ay ipadadala sa 13 iba’t-ibang bansa sa Aprika, Central at South America, Asia, Europa at sa mga kapuluan sa dagat.

At sumapit ang programa sa hapon. Si Donald Krebs ang nanguna sa pag-aaral ng Watchtower, at ang mga estudyante ay nagkomento. Pagkatapos ay nagpalabas ang mga estudyante ng mga pagtatanghal tungkol sa interesanteng mga bahagi ng kanilang limang-buwang kurso. At pagkatapos ay sinundan ng tampok ng hapong iyon​—isang drama sa Bibliya na nagtatanghal ng mga pagsubok at pagpapala kay Job. Oo, ang programang iyon ay tunay na nakapagpapasiglang karanasan para sa lahat ng dumalo.

Ang Watchtower Society ay gumugol ng malaking panahon at pagsasanay sa mga magiging misyonerong ito​—ngunit hindi sa walang kabuluhan. “Ang Gilead School ay naghanda sa inyo na maging tagumpay,” ang sabi ng isang tagapagpahayag sa klase. Oo, ating tinitiyak na ang ika-77 klase ng Gilead ay pagpapalain ni Jehova pagka sila’y nasa kanilang mga bagong teritoryo bilang mga misyonero.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share