Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 6/15 p. 8-9
  • Minahal ni Ruth ang Bayan ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Minahal ni Ruth ang Bayan ng Diyos
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • “Kung Saan Ka Paroroon ay Paroroon Ako”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • “Kung Saan Ka Paroroon ay Paroroon Ako”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Ruth
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
  • Sina Ruth at Noemi
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 6/15 p. 8-9

Buháy ang Salita ng Diyos

Minahal ni Ruth ang Bayan ng Diyos

ANG magandang babae rito ay si Ruth, na nanirahan sa Moab, sa may silangan ng Dagat na Patay. Bagamat siya’y lumaki sa gitna ng mga Moabita na sumamba sa mga diyos-diyosan, sabik siyang maglingkod sa tunay na Diyos, si Jehova, kasama ng kaniyang bayang Israel. (Bilang 25:1-5) Nang magkaroon siya ng ganitong pagkakataon sinamantala niya iyon at ito ang nagpamahal sa kaniya sa mga ibang sumasamba kay Jehova na nakakakilala sa kaniya bilang “isang mahusay na babae.”​—Ruth 3:11.

Isang taggutom sa Israel ang nagbigay ng pagkakataon kay Ruth upang maglingkod kay Jehova. Dahil sa taggutom, isang pamilya na apat katao ang buhat sa bayan ng Bethlehem lumipat sa lupain ng Moab. Sila yaong pamilyang makikita rito​—si Elimelek, ang kaniyang asawang si Naomi at ang kanilang mga anak na si Mahlon at Chilion. Subalit hindi nagtagal si Elimelek ay namatay. Pagkatapos naging asawa ni Mahlon si Ruth, at si Chilion naman ay nag-asawa ng isang babaeng Moabita na nagngangalang Orpha. Kaya’t ngayong may asawa siya at may biyenang babae na sumasamba kay Jehova, nakilala ni Ruth ang tunay na Diyos.

Ngunit, hindi nagtagal kapuwa si Mahlon at si Chilion ay namatay, kaya naiwan ang tatlong babae na walang kani-kanilang mga asawa o mga anak. Makikinikinita ninyo ang kanilang kalungkutan. Ano ang gagawin nila? Napag-alaman ni Naomi na ang taggutom sa Israel ay tapos na. Kayat minabuti niyang bumalik sa kaniyang bayan sa Bethlehem. Minamahal nina Ruth at Orpha ang kanilang biyenang babae at sila’y sumama sa kaniya. Subalit pagkatapos na makapaglakbay sandali sa daan, si Naomi, gaya ng makikita mo rito, ay nagsabi sa mga manugang niya: ‘Umuwi kayo sa inyo at pumisan sa inyu-inyong ina.’

Hinagkan ni Naomi nang pamamaalam ang mga manugang niya, at sila’y nag-iyakan. “Hindi, kami ay sasama sa iyong bayan,” ang hinagpis nila. Ang sabi ni Naomi: ‘Magsibalik kayo, mga anak ko.’ Kaya’t si Orpha ay nagsimula na ng pag-uwi. Subalit, si Ruth ay hindi umuwi.

Si Naomi ay bumaling kay Ruth at ang sabi: “Bumalik ka kasama ng iyong nabiyudang hipag.” Subalit si Ruth ay tumugon nang may kataimtiman: “Huwag mong ipamanhik sa akin na iwanan ka, na humiwalay pa sa iyo; sapagkat kung saan ka pumaroon doon ako paparoon, kung saan ka magpalipas ng gabi doon ako magpapalipas ng gabi. Ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ang aking Diyos.” (Ruth 1:1-17) Kaya’t si Ruth ay sumama kay Naomi at naging bahagi ng bayan ng Diyos na Israel.

Ikaw ba, tulad ni Ruth ay nakakilala na sa tunay na Diyos, si Jehova, at sa mga tao na sumasamba sa kaniya? Kung gayon, magkaroon ka sana ng ganon ding tigas ng kalooban na magtaguyod sa mga lingkod ni Jehova ngayon gaya ni Ruth noong una!

[Mapa sa pahina 8]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

DAGAT NA PATAY

MOAB

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share