Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 7/1 p. 3-4
  • Bakit Balitang-balita ang Armagedon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Balitang-balita ang Armagedon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Armagedon—Ang Maling Pagkakilala Rito
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Armagedon—Kailan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
  • Ano ang Digmaan ng Armagedon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Armagedon—Ano Ito Ayon sa Sinasabi ng Ilan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 7/1 p. 3-4

Bakit Balitang-balita ang Armagedon?

“ARMAGEDON”​—ano ba ang ibig sabihin ng pangalang ito na galing sa Bibliya? Narito ang sunud-sunod na mga artikulo sa paksang ito na nasa apat na labas ng Ang Bantayan para sa Hulyo at Agosto 1985. Sa pamamagitan ng mga paksang ito sa Kasulatan sana’y maaliw kayo ng pagkaalam kung ano nga ang tunay na ARMAGEDON.

“Alam ninyo, bumalik ako sa inyong sinaunang mga propeta sa Matandang Tipan at sa mga tanda tungkol sa Armagedon, at itinatanong ko sa aking sarili kung​—tayo nga kaya ang salinlahi na makakasaksi nito.”​—Ronald W. Reagan, pangulo ng Estados Unidos, Oktubre 18, 1983.

“Ang Apocalipsis ngayon ay hindi lamang isang paglalahad ng Bibliya kundi tunay na tunay ito. Ngayon lamang sa kasaysayan ng tao napasa-pagitan tayo ng gilid ng kapahamakan at ng kaligtasan.”​—Javier Perez de Cuellar, pangkalahatang-kalihim ng United Nations, Hunyo 8, 1982.

“ARMAGEDON,” iyan ang balitang-balita sa daigdig. Ang salitang iyan ay patuloy na maririnig sa labi ng mga klerigo, pulitiko, estadista, mga heneral ng hukbo, siyentipiko, at maging sa mga ekonomista man. Sa Estados Unidos, ang salitang Armagedon ay nasa mga titulo ng di-kukulangin sa 15 aklat na nasa sirkulasyon noong 1983. Naging paksa iyan ng maraming mga aklat, na ang sirkulasyon ay angaw-angaw na mga sipi.

Parang kataka-taka nga na ang salitang ito ay naging popular na biglang-bigla, sapagkat ang salitang Armagedon ay masusumpungan sa Bibliya​—at dito’y ginagamit ito nang minsanan lamang. (Apocalipsis 16:16, King James Version) Subalit hindi ang mga klerigo ang tanging gumagamit ng salitang iyan. Noong mga taon ng 1800 sinimulang gamitin ang salitang Armagedon nang hindi ayon sa diwa na nasa Bibliya. Gayumpaman, noon lamang pasimula ng mga taon ng 1900 ang salitang “Armagedon” ay naging kasingkahulugan ng “malaking digmaan” o “katapusang pagbabaka.”

Sapol noon ang salitang Armagedon ay unti-unting napalakip sa talasalitaan ng iba’t ibang propesyon, na bawat isa’y binibigyan iyon ng nagkakaibang kahulugan. Noong 1912, si Theodore Roosevelt, nang kumakampaniya para mapaupo pa uli bilang pangulo ng Estados Unidos, ay nagbigay ng pulitikal na kahulugan sa salitang iyan. Kaniyang ipinangalandakan: “Buo ang loob at malinaw ang pananaw, tayo’y nakatayo sa Armagedon at ipinaglalaban natin ang Panginoon.” Si Roosevelt ay hindi nanalo sa eleksiyon.

Ngayon ay ang ligalig sa daigdig ang sanhi ng lahat ng usap-usapang ito tungkol sa Armagedon: ang pagbabanta ng digmaang nuklear, isang mahabang taglamig na dahil sa pagpapasabog ng mga armas nuklear, isang malaking digmaan sa Gitnang Silangan, o ang biglang-biglang pagbagsak ng kabuhayan ng daigdig. Kaya naman ang salitang Armagedon ay nauuso na kahit na sa mga dakong hindi inaasahang kariringgan nito:

◆ Isang pelikulang cartoon sa Hapon na pinamagatang “Armageddon in Kichijoji” ang tungkol sa mga tauhang cartoon na kumakatawan sa mabuti at masama sa isang digmaan na lilipol sa balana.

◆ Ang inaasahan sa 1986 na muling paglitaw ng Kometang Halley ang nagpapangyari sa Frankfurter Neue Presse na sabihin na ito ang “maaari na namang magpauna sa Armagedon” ayon sa mga paniwala ng mga mapamahiin.

Ngunit walang isa man sa mga ito ang Armagedon. Ngayon isa pang tinig na nagbabalita ng Armagedon ang naririnig​—isang palakas nang palakas at nagmumula sa mahigit na dalawa at kalahating milyong katao. Narinig na ba ninyo iyon? Sa pakikinig sa tinig na ito, malalaman ninyo kung ano ang mga maling pagkakilala sa Armagedon, at lalong mahalaga, kung ano talaga ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share