Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 8/15 p. 31
  • Ang mga Relihiyon ay Nababagabag

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang mga Relihiyon ay Nababagabag
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Dapat Bang Kapootan ng mga Kristiyano ang mga Homoseksuwal?
    Gumising!—1997
  • Homoseksuwalidad—Ano ang Tungkulin ng Klero?
    Gumising!—1989
  • Paano Ko Ipaliliwanag ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Homoseksuwalidad?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Homoseksuwalidad—Bakit Hindi Dapat?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 8/15 p. 31

Ang mga Relihiyon ay Nababagabag

“Ang isyu ng homoseksuwalidad ang bumabagabag sa mga relihiyon sa buong Amerika,” ang sabi ng The New York Times. “Sila’y ginigipit buhat sa labas upang luwagan nila ang kanilang tradisyonal na pagkamuhi at baguhin nila ang kanilang turo.” Ang nasa likod ng mga panggigipit ay ang nagbabagong mga saloobin sa sekso at ang paniwala na ang mga talata sa Bibliya ay binigyan ng “maling pagpapakahulugan o kaya’y maling isinalin ng mga kaaway ng homoseksuwalidad.” Halimbawa, ang mga kritiko ng tradisyonal na interpretasyon ay nagsasabi na ang siyudad ng Sodoma ay pinuksa dahilan sa kakulangan ng pagmamagandang-loob, na kailangang ipakita sa mga sinaunang manlalakbay, at dahilan sa kanilang hangad na gahasain ang mga bisita​—hindi dahil sa homoseksuwalidad. Sinasabi rin nila na, sa Roma 1:26, 27, ang tinukoy ni apostol Pablo na pagbabago ng “likas na paggamit ng kanilang sarili tungo sa isang labag sa katutubo,” ay walang ibig sabihin kundi “paglihis sa mga kalakaran, hindi homoseksuwalidad bilang isang naiiba sa katutubo.” Kaya naman, maraming mga relihiyon ang nagbabago ng kanilang saloobin tungkol sa homoseksuwalidad, at mayroong iba na tinanggap pa man din ang mga homoseksuwal o mga bakla bilang kanilang mga ministro.

Subalit ang gayong “pagkamoderno” ay kasuwato ba ng kalooban ng Diyos? “Hindi; ako, si Yahweh, ay hindi nagbabago,” ang idiniin ng Maylikha at mababasa sa Malakias 3:6. (The Jerusalem Bible) Sinasabi rin ng Bibliya na “ang mga lalaking ginagamit sa di-katutubong mga paraan, o ang mga lalaki na sumisiping sa kapuwa mga lalaki . . . ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.” (1 Corinto 6:9, 10; ihambing ang Levitico 20:13.) Imbis na manawagan sa mga Kristiyano na sumunod sa isang lalong malayang punto-de-vista tungkol sa mga nagkakasala laban sa Diyos, ang Bibliya ay nagpapayo: “Iwaksi ninyo ang lahat ng karumihan at ang di-kailangang bagay na iyan, ang kasamaan, at tanggaping may kaamuan ang salitang itinatanim na nakapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.”​—Santiago 1:21.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share