Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w85 11/15 p. 19
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Pagtama sa Inaasinta’
  • “Mataas” na Edukasyon
  • Baha-bahagi Dahil sa Aborsiyon
  • Aborsiyon—Isang Nababahaging Daigdig
    Gumising!—1987
  • Aborsiyon—Hindi Talaga Solusyon
    Gumising!—2009
  • Taglay ba ng mga Relihiyong Ito ang Kasagutan?
    Gumising!—1993
  • Ang Kahulugan ng mga Balita
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1990
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
w85 11/15 p. 19

Ang Kahulugan ng mga Balita

‘Pagtama sa Inaasinta’

Noong Disyembre 22, 1984, isang malubhang pangyayari sa isang tren sa subway sa New York City ang naging paulong-balita. Ang tatlumput-pitong-taong-gulang na si Bernhard Hugo Goetz ay nilapitan ng apat na kabataan na, ayon sa kaniya, nagbanta na nanakawan siya. Si Goetz, na dati nang isang biktima ng mga masasamang-loob ay naglabas ng kaniyang baril at binaril ang apat, anopat isa sa kanila ang naging paralitiko habang-buhay.

Ang pagbaril niyang iyon ang naging dahilan ng isang pambansang debate tungkol sa krimen at sa kaligtasang-madla. “Ang kasong ito ay tumama sa talagang inaasinta,” ang sabi ng co-host ng isang cable news show. “Laganap ang pagkadama ng pagkabigo at galit sa kalagayan ng sistema ng hustisya may kinalaman sa krimen.” Isang editorial sa The New York Times ang nagsabi ng ganito: “Ang gobyerno ay bigo [may kaugnayan sa madla] sa pinakamahalagang responsibilidad nito: ang kaligtasang pangmadla. Kung tayo ang magpapaganap ng batas magpapahiwatig ito na kukunin natin ito sa kapamahalaan ng mga opisyales. Subalit ang batas, sa treng iyon sa subway noong Disyembre 22, ay hindi hawak nino man.”

Ang matinding interes ng madla sa kaso ni Goetz ay nagsiwalat ng damdamin ng marami: ang kakilabutan ng panganib na ikaw ay manakawan o saktan, at ang kabiguan at galit dahilan sa walang gaanong ginagawa upang makairal ang kaligtasang pangmadla. Oo, ang mga suliranin buhat sa mga magnanakaw ay hindi bago. (Ihambing ang 2 Corinto 11:26.) Ang bago ay yaong ginagawa ng krimen at iba pang nakababalisang kalagayan upang ang mga tao ay “manglupaypay dahil sa takot at sa mga bagay na hinihintay.” (Lucas 21:26) Subalit, sa ilalim ng gobyerno ng Kaharian ng Diyos ang gayong takot ay mawawala na. Sa ipinangakong bagong sistemang iyan, lahat ng mga tao sa lupa ay mamumuhay sa kapayapaan at pagkakaisa, at “wala nang tatakot sa kanila.”​—Mikas 4:4.

“Mataas” na Edukasyon

“Karamihan ng kolehiyo ay nangangakong paghuhusayin ka kung sa larangan ng kultura at moral, subalit iyan ay hindi nakikita na ginagawa nila,” ang sabi ni William J, Bennett, ang bagong kalihim ng edukasyon sa Estados Unidos. “Sila’y hindi tumutupad ng kanilang mga pangako.” May isa pang dahilan kung bakit negatibo ang kaniyang kaisipan tungkol sa edukasyon sa kolehiyo ngayon. “May palagay na ang mga nagtapos sa kolehiyo ay isang uri na gaya ng mga pari at ang mga bagay na kamangha-mangha ang kailangang mangyari pagka ikaw ay nagkaroon ng isang titulo,” ang sabi ni Bennett. “Kung ang aking sariling anak . . . ay lumapit sa akin at magsabi ‘Nangako kang gagastusan mo ang aking matrikula sa Harvard; pero kung bigyan mo na lamang kaya ako ng $50,000 sa halip na pag-aralin ako at magtayo ako ng kaunting negosyo?’ baka isipin ko na iyon ay isang mabuting ideya.”

Bagamat ang kolehiyo ay maaaring nangangako ng isang magandang kinabukasan, garantiya ba iyan ng tagumpay? Maliwanag na hindi. Subalit para sa marami, mayroong isang bagay na gumagawa niyan. Ang tunay na mga Kristiyano sa ngayon ay makapagpapatotoo sa kultural, moral, at kahit na pinansiyal na pakinabang na tinanggap nila sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at sa pagkakapit nito sa kanilang buhay. Batid nila, gaya ng sinabi ni Pablo, na “lahat ng Kasulatan ay . . . kapakipakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay, . . . upang ang tao ng Diyos ay maging lubusang naturuan, lubos na nasasangkapan para sa bawat mabuting gawa.” (2 Timoteo 3:16, 17) Ang edukasyon sa Bibliya ay walang dalang panganib. Ang pagkuha ng karunungan buhat sa Diyos ‘na ang mga kaisipan ay mas mataas kaysa ha ating mga kaisipan ay humahantong sa tunay na tagumpay.

Baha-bahagi Dahil sa Aborsiyon

“May halos 10 taon na ngayon,” ang sabi ni William V. Shannon ng The Boston Globe, “isang obispong Romano Katoliko ang nagsabi sa akin nang sarilinan, ‘ako’y nababahala sapagkat tayo bilang isang relihiyon ay lumalakad sa maling daan tungo sa iisang-direksiyon kalye tungkol sa isyung ito ng aborsiyon. . . . Nariyan ang Poland. Baka ito na nga ang numero unong bansang Katoliko sa Europa. Subalit noong nakaraang taon, ang mga babaing Polish ay mayroong 400,000 aborsiyon. Kung hindi masugpo ng mga obispong Polish ang aborsiyon sa Poland na humigit-kumulang 90-porsiyentong Katoliko, paano nating magagawa ito sa bansang ito na kung saan tayo ay isang minoridad lamang?’” Isinusog pa ni Shannon: “Isang mahalagang tanong iyan noon. Isang lalo nang mahalagang tanong iyan ngayon na . . . ang dami ng aborsiyon sa [Poland] . . . ay dumaming lalo hanggang sa 800,000 isang taon.”

Ang isyu ng aborsiyon ay isang maselang na suliranin para sa Vaticano, kapuwa sa politika at sa loob ng simbahan mismo. Noong Oktubre 1984 isang-pahinang anunsiyo sa The New York Times, pinagtibay ng 24 na mga madre at 73 iba pang mga Katoliko, ang nagsabi na ang pagkondena ng simbahan sa aborsiyon sa lahat ng kaso ay hindi lamang “ang tanging pinagtibay na posisyong Katoliko”​—isang pangungusap na dito’y nagbangon ng isyu ang Vaticano. Ang anunsiyong iyan ay bumanggit ng ulat buhat sa isang survey kamakailan na nagpapakita na 11 porsiyento lamang ng mga Katoliko ang di-sang-ayon sa aborsiyon sa lahat ng kasong ito. Maliwanag, ang isyu ng aborsiyon ay nagdadala ng pagkakabaha-bahagi sa simbahan. Subalit ang Salita ng Diyos ay nagpapayo sa mga tunay na Kristiyano na “magsalita nang may pagkakaisa” at “mag-isip nang may pagkakaisa.”​—1 Corinto 1:10; 2 Corinto 13:11.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share