Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 1/15 p. 24-25
  • Naniwala ang Maraming Samaritano

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naniwala ang Maraming Samaritano
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtuturo sa Isang Babaing Samaritana
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Pagtuturo sa Isang Samaritana
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Isang Babae sa Tabi ng Balon
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Pagtuturo sa Isang Babaing Samaritana
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 1/15 p. 24-25

Buhay at Ministeryo ni Jesus

Naniwala ang Maraming Samaritano

NANG sila’y makabalik galing sa Sicar at dala na ang pagkain, nadatnan ng mga alagad si Jesus na nasa balon ni Jacob na kung saan kanilang iniwanan siya. Ngunit ngayon siya ay nakikipag-usap sa isang babaing Samaritana. Lumisan ang babae nang dumating ang mga alagad, iniwanan ang kaniyang banga ng tubig, at ngayo’y patungo na siya sa lunsod.

Yamang lubhang interesado ang babaing ito sa mga bagay na sinabi sa kaniya ni Jesus, sinabi niya sa mga lalaki sa lunsod: “Halikayo, tingnan ninyo ang isang lalaki na nagsabi sa akin ng lahat ng bagay na ginawa ko.” Pagkatapos, sa paraan na pumupukaw ng pananabik, siya’y nagtanong: “Hindi kaya ito ang Kristo?” Dahil sa tanong na iyan ay natupad ang gusto niya​—nagsiparoon ang mga lalaki upang alamin kung totoo ang kaniyang sinabi.

Samantala, sinabi ng mga alagad kay Jesus na kainin na niya ang pagkain na binili nila sa lunsod. Ngunit ito’y tumugon: “Ako’y may pagkaing kakainin na hindi ninyo nalalaman.”

“May tao kayang nagdala sa kaniya ng makakain?” ang tanong ng mga alagad sa isa’t-isa. Si Jesus ay nagpaliwanag: ‘Ang pagkain ko ay gawin ang kalooban niya na nagsugo sa akin at tapusin ang kaniyang gawain. Ang sabi ninyo, di ba, na mayroon pang apat na buwan bago dumating ang pag-aani?’ Pero ang ibig niyang tukuyin ay ang espirituwal na pag-aani, kaya sinabi ni Jesus: ‘Ngayon pa ay tumatanggap na ng ganti ang mang-aani at umaani ng bunga ukol sa buhay na walang hanggan.’

Marahil nakikita na noon ni Jesus ang dakilang epekto ng pagpapatotoo ng babaing Samaritana​—na marami ang nananampalataya na kay Jesus nang dahil sa pagpapatotoo ng babae. Na ang mga lalaking taga-Sicar ay lumapit kay Jesus sa balon, kanilang hiniling sa kaniya na dumuon muna siya upang makipag-usap pa sa kanila. Tinanggap ni Jesus ang imbitasyon at lumagi roon ng dalawang araw.

Samantalang ang mga Samaritano ay nakikinig kay Jesus, marami pa ang naniwala. Pagkatapos ay sinabi nila sa babae: “Hindi sa kami’y naniniwala dahilan sa sinabi mo; sapagkat ang ganang sarili namin ang nakarinig at natitiyak na namin na ang lalaking ito ang tagapagligtas ng sanlibutan.” Tunay na ang babaing Samaritana ay isang mainam na halimbawa ng kung paano tayo maaaring magpatotoo tungkol kay Kristo sa pamamagitan ng pagpukaw ng pananabik upang ang mga nakikinig ay higit pang magsaliksik!

Alalahanin na may apat na buwan pa noon bago sumapit ang pag-aani​—marahil ang pag-aani ng sebada, na sa Palestina ay kung panahon ng tagsibol. Kaya marahil ngayon ay Nobyembre o Disyembre. Ito’y nangangahulugan an pagkatapos ng Paskua ng 30 C.E., si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay gumugol ng walong buwan humigit-kumulang sa Judea sa pagtuturo at pagbabautismo. Sila’y paalis na ngayon patungo sa kanilang sariling teritoryo sa Galilea. Ano ang naghihintay sa kanila doon? Juan 4:27-42.

◆ Anong pagpapatotoo ang ginawa ng babaing Samaritana at ano ang ibinunga?

◆ Paanong ang pagkain ni Jesus ay may kaugnayan sa pag-aani?

◆ Paano natin matitiyak ang haba ng ministeryo ni Jesus sa Judea pagkatapos ng Paskua ng 30 C.E.?

[Buong-pahinang larawan sa pahina 25]

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share