Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 5/1 p. 3-4
  • Ang Bibliya—Praktikal ba Para sa Ating Kaarawan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bibliya—Praktikal ba Para sa Ating Kaarawan?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Di Nagbabago ang Bibliya
  • Isang Praktikal na Aklat Para sa Modernong Pamumuhay
    Isang Aklat Para sa Lahat ng Tao
  • Mahalaga Ba sa Ngayon ang Payo ng Bibliya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
  • Isang Aklat Mula sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Ang Aklat na Naglalaan ng Tunay na Patnubay
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 5/1 p. 3-4

Ang Bibliya​—Praktikal ba Para sa Ating Kaarawan?

MALAKI ang ipinagbago ng daigdig na ito sa loob ng lumipas na siglo. Ang pagbabago buhat sa kabayo’t-karetela hanggang sa modernong space age ay napakabilis na anupa’t ang mga aklat sa teknolohiya ay kadalasan sandaling-sandali lamang nagagamit pagkatapos na mailimbag. Malaki ang pagsulong sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Bagaman ang digital concepts ay unang ginamit mga 150 mga taon na ngayon ang nakalipas, nitong nakalilipas na mga taon lamang naging palasak ang gamit ng mga computer, ginagamit sa paglulunsad ng mga satelayt at mga sasakyang pangkalawakan hanggang sa pagbabalanse ng badyet ng pamilya. Talaga namang kagila-gilalas! Halos hindi mo patuloy na masubaybayan ang lahat na ito!

Marami sa mga pagbabago ang napapakinabangan. Kasali na rito ang mga pagsulong sa larangan ng komunikasyon, transportasyon, mga makina na pantipid-trabaho, at medisina. Halimbawa, ang isang naputol na kamay o daliri, na dati-rati’y wala nang pag-asang magamit pa, ay kalimitan naisasauli sa pamamagitan ng microsurgery. Puede tayong lumipad sa kabilang panig ng ating globo sa loob ng sandaling panahon lamang, na hindi gumugugol ng mga buwan sa pagbibiyahe. Kung ihahambing sa lumipas na mga isang daang taon na​—na noo’y walang mga awto, radyo, TV, mga aninong gumagalaw, refrigerator, washing machine, bitamina, antibiotics, mga pambakuna, at daan-daang iba pang mga bagay na karaniwan na ngayon​—tunay na tayo’y nabubuhay sa isang bagong panahon.

Ngunit hindi lahat na ito ay gumana sa pinakamagaling na kapakanan natin. Halimbawa, dahil sa pagsulong may kaugnayan sa nuclear energy ang sangkatauhan ay nakaharap sa mahigpit na panganib ng digmaan o ng radyasyon. Malaganap din ang panganib sa mga kemikal, na sukal na ibinubuga ng mga pabrika. Maraming buhay ang napapariwara dahil sa mga droga at sa maling gamit ng mga gamot.

Ang totoong kapuna-puna ay ang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Dahilan sa industriya at sa paglipat sa mga siyudad maraming pamilya ang nagkawatak-watak. Higit kaysa kailanman​—at lalo na para sa mga babae at mga bata​—inaakala ng mga tao na sila’y nakalaya at may kasarinlan na. Dahilan sa paglaya sa mga paghihigpit buhat sa dating mga pamantayan bumangon ang mga bagong istilo ng pamumuhay at binago ang mga pamantayan ng lipunan, na anupa’t ngayon ay ibang-iba ang mga ito sa umiral na mga pamantayan sa daigdig sa loob ng libu-libong mga taon.

Di Nagbabago ang Bibliya

Kung gayon, saan kailangang bumaling para magsilbing patnubay? Anong payo ang kapit ngayon? Ang modernong mga edukador ay patuloy na gumagawa ng pagbabago sa kanilang mga pamamaraan at mga aklat-aralan upang makasubaybay sa ating nagbabagong daigdig. Ang mga klerigo naman at iba pang propesyonal ay gumagawa rin ng pagbabago sa kanilang mga payo at inaayon iyon sa kung ano ang popular at tinatanggap ng karamihan.

Sa kabilang dako, ang Bibliya ay nanatiling di nagbabago sa loob ng libu-libong taon. Oo, taglay nito ang matatatag na mga babala na hindi nadadagdagan o nababawasan ang mga pananalita. (Kawikaan 30:5, 6; Apocalipsis 22:18, 19) Ang Bibliya ba ay maaaring tanggapin bilang isang praktikal na patnubay para sa ating modernong kaarawan?

May mga nagsasabi na hindi. “Walang sinuman na magpapayo na ang isang 1924 edisyon ng isang aklat-aralan sa chemistry ay gamitin sa isang modernong klase sa chemistry​—sapol na noon ay marami na ang natutuhan tungkol sa chemistry,” ang isinulat ni Dr. Eli S. Chesen sa kaniyang aklat na Religion May Be Hazardous to Your Health, at patuloy na sinabi: “Gayundin naman, marami ang natutunan tungkol sa sosyolohiya, pilosopya, at sikolohiya noong nakalipas na libu-libong taon; gayunman, ang Bibliya (na maraming sinasabi tungkol sa mga paksang ito) ay ginagamit bilang isang awtoridad at bihirang rebisahin.”

Isinusog pa niya: “Ako’y laging nanggigilalas pagka narinig ko na tinatalakay ang ‘himala’ ng kung paano ang Bibliya ay walang hanggan at ito’y makabuluhan para sa ngayon gaya rin noong panahong lumipas nang ito’y isulat. Ito’y medyo nahahawig sa panggigilalas ng isa sa ‘kawastuan’ ng astrolohiya. Napakatibay ang awtoridad ng Bibliya na anupa’t kakaunti ang nag-isip man lamang na ito’y baguhin para iayon sa panahon o tuluyang itabi ito.”

Datapuwat, ang Bibliya nga ba ay lipas na sa ating modernong daigdig? O ang payo na ibinibigay nito ay praktikal pa rin at makabuluhan para sa ating panahon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share