Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 8/15 p. 19
  • Ang Pagtakas sa Pella ng mga Kristiyano

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pagtakas sa Pella ng mga Kristiyano
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Decapolis
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Tanging Paraan ng Kaligtasan
    Gumising!—1985
  • Nagliligtas-Buhay ang Pananampalataya sa Hula ng Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Patuloy na Hintayin ang Lunsod na Permanente
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 8/15 p. 19

Ang Pagtakas sa Pella ng mga Kristiyano

NOONG 33 C.E., si Jesu-Kristo ay nagbabala sa kaniyang mga tagasunod na “magsimulang tumakas sa mga bundok” pagka kanilang nakita na “ang Jerusalem ay nakukubkub ng nagkampamento na mga hukbo.” (Lucas 21:20-24) Subalit saan ba sila aktuwal na tumakas? Ang Pranses na orientalista at historyador na si Joseph Ernest Renan ay sumasagot: “Sa dako na pinili ng mga ulo ng [Kristiyanong] komunidad upang magsilbing pangunahing kanlungan para sa tumakas na Iglesia ay ang Pella, isa sa mga bayan ng Decapolis, naroon sa malapit sa kaliwang pangpang ng Jordan sa isang kaaya-ayang dako, na nakapanunghay ang isang panig sa buong kapatagan ng Ghor, at sa kabila naman ay naroon ang mga matatarik na dalisdis, at sa paanan ng mga ito ay humahagibis na ilog. Ito ang pinakamainam na lugar na napipili. Ang Judæa, Idumæa, Peræa, at Galilea ay nasa paghihimagsik noon; ang Samaria at ang mga dakong nasa baybayin ay nasa isang napakamaligalig na kalagayan . . . Samakatuwid ang Scythopolis at ang Pella ang pinakamalapit na mga neutral na lunsod sa Jerusalem. Ang Pella, dahilan sa ito’y naroon sa kabila pa roon ng Jordan, ay mas tahimik na dako kaysa Scythopolis, na naging isa sa mga moog ng mga Romano. Ang Pella ay isang malayang lunsod tulad ng mga iba pang bayan ng Decapolis . . . Ang panganganlong doon ay isang hayagang pagkilala sa kakilabutan ng paghihimagsik [ng mga Judio] . . . Dito sa bayang ito na laban sa mga Judio nakasumpong ang Iglesia ng Jerusalem ng kanlungan noong kakilabutan ng pagkubkub.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share