Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 4/1 p. 30
  • Isang “Totoong Mayamang Pagtatagpo”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang “Totoong Mayamang Pagtatagpo”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Sagot na Dapat Pag-isipan
    Gumising!—2015
  • Sama-samang Nagtatayo sa Buong Daigdig
    Mga Saksi ni Jehova—Tagapaghayag ng Kaharian ng Diyos
  • Paano Nagsimula ang Buhay?
    Iba Pang Paksa
  • Mga Kaayusan Para sa mga Lugar ng Pagsamba
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 4/1 p. 30

Isang “Totoong Mayamang Pagtatagpo”

NOONG tag-init ng 1984, si Gerard, isang binata na taga-Pransiya, ay nagsimula sa isang anim-na-buwang abentura​—isang paglalakbay sa bisikleta sa magkabi-kabilang panig ng Estados Unidos at Canada. Siya’y nabighani sa maningning na Rocky Mountains, ang mapayapang mga parke ay nagdulot sa kaniya ng katahimikan, subalit ang tanawin na nasaksihan niya sa Montmagny, Quebec, Canada, ang hinangaan niya sa lahat; binago niyaon ang landasin ng kaniyang buhay.

Noong Linggo, Setyembre 16, si Gerard ay namimisikleta sa Montmagny nang mapansin niya ang isang mahabang hilera ng mga kotseng nakaparke sa tabi ng daan. Pagkatapos, natanaw niya ang daan-daang mga tao na nagkukulumpunan sa isang lugar ng konstruksiyon. “Ano ba ang nangyayari rito?” ang tanong niya sa isa sa mga manggagawa na nag-aayos ng trapiko. Bagaman ang taong iyon ay abala sa kaniyang gawain, nagbigay siya ng panahon upang ipaliwanag kay Gerard na lahat ng mga manggagawang ito ay mga Saksi ni Jehova na ginagamit ang kanilang libreng dulo-ng-sanlinggo sa pagtatayo ng isang gusali para sa kanilang mga pulong relihiyoso. Hindi alam ni Gerard na noon ang huling mga oras ng puspusang paggawa sa isang dalawang-araw na proyekto sa Kingdom Hall. Ganiyan na lang ang paghanga niya sa lahat ng kaniyang nasaksihan at narinig. Nang gabing iyon siya’y sumulat sa kaniyang talaarawan: “Sa gabi ay nakilala ko ang mga Saksi ni Jehova. Sila’y nagtayo ng isang bahay sa loob ng dalawang araw. Sila’y mahigit na 1,000. Isang totoong mayamang pagtatagpo.”

Hindi nagtagal at si Gerard ay nagbalik sa Pransiya. Dalawang taon ang nakalipas, noong Hulyo 26, 1986, siya’y naghulog sa koreo ng isang liham sa Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses sa Montmagny. Siya’y sumulat:

‘Natatandaan pa ba ninyo ang pakikipag-usap ninyo sa isang siklista na taga-Pransiya noong ikalawang araw ng proyekto ninyo sa pagtatayo ng Kingdom Hall? Nang araw na iyon ang nag-aayos ng trapiko ay naghasik ng binhi. Mga ilang buwan ang nakalipas nang may dumalaw sa akin na mga Saksi sa Pransiya, at tinanggap ko ang alok na makipag-aral sa kanila ng Bibliya. Yamang noon ay isa akong galing sa isang pamilyang sarado Katoliko, hindi madali ang pag-aaral. Subalit pinalago ni Jehova ang binhi. Dalawang linggo pa lamang ang nakalipas nang ako’y bautismuhan sa isang kombensiyon sa Nantes. Pinasasalamatan ko si Jehova sa pagpapahintulot na matagpuan ko ang katotohanan, at ako’y napasasalamat sa lahat ng itinuro sa akin ng brother noong Linggong iyon, Setyembre 16, 1984. Mga pagbating pangmagkakapatid buhat sa isang abenturero na nakomberte sa katotohanan.’

Anong laki ng kagalakan ng kongregasyon sa Montmagny pagkatapos na marinig nila ang liham ni Gerard na binasa sa kanilang Kingdom Hall! Lahat ng tumulong upang maitayo ang gusaling iyon ay nakaranas ng katuparan ng sinabi ni Solomon: “Ihasik mo ang iyong tinapay sa tubigan, sapagkat iyong masusumpungan pagkaraan ng maraming araw.” (Eclesiastes 11:1) Oo, ang mabubuting epekto ng mga proyekto sa Kingdom Hall ay walang-hanggan at malayo ang nararating sa maraming kaparaanan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share