Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w87 8/15 p. 3-4
  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae sa Modernong Panahon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae sa Modernong Panahon
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang mga Babae sa Politika
  • Ang mga Babaing Empleyado
  • Sa Edukasyon, Sining, at Relihiyon
  • Ano ba ang Epekto?
  • Mga Babaing Lubhang Nagpapagal sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Respeto at Dignidad sa Ilalim ng Pangangalaga ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
  • Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae—Pawang Pagpapala Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • May Malasakit ba ang Diyos sa mga Babae?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
w87 8/15 p. 3-4

Ang Bumuting Kalagayan ng mga Babae sa Modernong Panahon

MATAGAL na noong 1906 si Czar Nicholas ng Rusya ay tumanggap sa mga ilang magbubukid na mga babaing Ruso ng isang petisyon na, kabilang sa ibang mga bagay, ay nagsasabi:

“Sa lumipas na mga salinlahi ang mga babae na kabilang sa uring magbubukid ay nabuhay nang walang anumang mga karapatan . . . Kami’y hindi man lamang itinuturing na tao, kundi mga hayop na ginagamit sa trabaho. Hinihiling namin na kami’y turuang bumasa at sumulat; na bigyan din ang aming mga anak na babae ng ganoon ding mga pasilidad sa pag-aaral gaya ng aming mga anak na lalaki . . . Batid namin na kami ay ignorante, ngunit hindi kami ang masisisi.”

Ang ganiyang malungkot na kalagayan ay kabaligtaran ng larawang ibinibigay ng Bibliya tungkol sa isang butihin at respetadong babae, na tinutukoy na isang uliran na karapat-dapat tularan at purihin. (Kawikaan 31:10-31) Gayunman, ang paglalarawan buhat sa Rusya ay nagpapaaninaw ng katotohanan na binanggit sa Bibliya noong sinaunang panahon ng pantas na si Haring Solomon: “Dominado ng tao ang kaniyang kapuwa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (Eclesiastes 8:9) Ang kapinsalaang iyan ay tunay na hindi limitado sa mga lalaki. Ang talata ay maaaring malawakang ikapit: ‘Dominado ng mga lalaki ang kanilang kapuwa mga lalaki at mga babae sa kanilang ikapipinsala.’ Ngunit anong laki ng ipinagbago ng kalagayan ng mga babae, gaya ng ipinakikita ng situwasyon sa Rusya!

Sa ngayon, “ang karamihan ng mga doktor at mga guro na Sobyet ay mga babae. Mga babae ang halos dalawang-katlo ng kabuuang bilang ng mga ekonomista at tatlong-kaapat ng mga manggagawa sa kultura. Apatnapung porsiyento ng mga manggagawa sa mga siyensiya ang babae . . . Sa bawat sanlibong mga babae na manggagawa sa pambansang ekonomiya, 862 ang may nakatataas o sekondarya (kompleto o di-kompleto) na edukasyon.”​—Women in the USSR.

Ang mga Babae sa Politika

Ang mga kalagayan sa Rusya, sa lalong malawakan o hindi man, ay umiiral din sa maraming mga lupain. Ang unang bansa na nagkaloob sa mga babae ng karapatan na bumoto ay ang New Zealand, noon pang 1893. Sa pagitan ng 1917 at 1920, ibinigay sa kanila ang karapatang iyan sa Rusya, Gran Britanya, Estados Unidos, at Canada. Sa Switzerland kinailangan silang maghintay hanggang noong 1971, bagama’t ang mga Swisa ay maaaring maghawak ng politikal na katungkulan.

Sa ngayon, ang mga babae ay hindi lamang bumuboto kundi nakikipagpaligsahan pa sa mga lalaki para sa politikal na katungkulan. Ang Israel ay nagkaroon ng isang punong ministrong babae, si Golda Meir, at ganoon din ang India, si Indira Gandhi. Kamakailan, mga babae ang nahalal na mga punong ministro sa Gran Britanya at Yugoslavia. Sa Supreme Soviet ng Rusya, 492, o sa pagitan ng 30 at 40 porsiyento, ang mga babae. Isang babae ang ngayo’y isang miyembro ng Korte Suprema ng E.U., at sa kampanya sa pagkapangulo noong 1984, isang babae ang unang-unang naging isang kandidato sa pagkabise-presidente ng isang malaking partido politikal. Sa Pransiya mga 15 porsiyento ng lahat ng nasa gabinete ay babae.

Ang mga Babaing Empleyado

Sa halip na mga karatulang kababasahan ng “Men at Work,” marami sa Estados Unidos ang ngayo’y kababasahan ng “People Working” (Mga Taong Nagtatrabaho). Bakit? Dahilan sa pagbabago sa ginagampanang bahagi ng mga babae sa kabuhayan. Ang bilang ng mga babae na nagtatrabaho sa labas ng tahanan ay nadoble noong nakaraang 25 taon. Noong 1970 27 porsiyento lamang ng mga nag-uopisina ang mga babae; makalipas ang 14 na taon, 65 porsiyento ang mga babae. Para sa iba, ang paghahanapbuhay ay kailangan para sa ikabubuhay; para naman sa iba, ito ay kagustuhan lamang nila. Sa mga ibang lugar, ang mga kita para sa mga lalaki at mga babae na magkapareho ang trabaho ay unti-unting nagiging pareho.

Sa Edukasyon, Sining, at Relihiyon

Halos sa buong daigdig, ang mga babae ay sumulong nang malaki tungkol sa edukasyon. Ang bilang ng mga babae sa mga paaralan ay lumaki mula sa 95 milyon noong 1950 hanggang sa 390 milyon noong 1985. Sa Espanya may 25 taon na ngayon ang lumipas, doble ang dami ng mga babaing di-makabasa kung ihahambing sa mga lalaki. Noong 1983 ay malaki ang ibinuti ng situwasyon na anupa’t 30 porsiyento ng mga estudyante sa kolehiyo ang mga babae. Ang Women in Britain ay nag-uulat ng “isang malaking pagsulong sa bilang ng buong-panahong mga estudyanteng babae sa unibersidad.”

Sa lumipas na mga taon, naging prominente ang mga babae sa larangan ng musika bilang mga soloista, kapuwa sa pag-awit at sa pagtugtog ng instrumento. Subalit sa Estados Unidos bago sumapit ang 1935, ang tanging mga babaing tumutugtog sa mga orkestra ay yaong mga manunugtog ng alpa, na waring trabahong iniiwasan ng mga lalaki. Sa kabaligtaran, sa kasalukuyan 40 porsiyento ng mga tumutugtog sa pambansa, pangrehiyon, at panlunsod na mga orkestra ay mga babae.

Nagkaroon din ng isang kahawig na pagsulong sa larangan ng relihiyon. Maraming mga babae ang nag-aaral sa mga seminaryo, kaya’t sa Estados Unidos mula sa 29 hanggang sa 52 porsiyento ng gayong mga estudyante ay babae. Ang mga babae ay nagsisermon sa mga pulpito, at mayroon ding mga babaing rabbi. Mga 11 porsiyento ng mga pastor na Sweko ay mga babae, at mayroong mga babaing paring Anglicano sa Oriente. Ang The New York Times (Pebrero 16, 1987) ay nagsabi na “mayroong 968 ordinadong mga babae sa Episcopal Church.”

Ano ba ang Epekto?

Kaya hindi maikakakila na ang kalagayan ng mga babae ay nagbago nang malaki sa nakalipas na panahon. Marahil ang mga pagbabagong ito ay nasaksihan mo o personal na naranasan mo. Subalit ang tanong na dapat ibangon ay: Lahat ba ng pagbabagong ito ay pawang pagpapala?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share