Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 6/1 p. 3-4
  • Ako ba’y Dapat Magbago ng Aking Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ako ba’y Dapat Magbago ng Aking Relihiyon?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Sapat na ba ang Anumang Relihiyon?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Pagsasagawa ng Dalisay na Relihiyon Para sa Kaligtasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Paano Ko Makikilala ang Tunay na Relihiyon?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Bakit Pa Magiging Interesado sa Ibang Relihiyon?
    Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 6/1 p. 3-4

Ako ba’y Dapat Magbago ng Aking Relihiyon?

Sa Naha Airport ng Okinawa ay mga ilang saglit lamang na napalilipad ng piloto ang kaniyang eruplano sakay ang 101 pasahero. Ano ba’t biglang-biglang napansin niya ang tatlong eruplanong nagririkorida sa lagay ng panahon na pasalubong sa kaniya at nasa panganib na sila’y magbanggaan. Ang piloto ay kumilos nang buong bilis, at lumihis na bigla pakaliwa, kaya’t naiwasan ang banggaan sa itaas, at nailigtas ang sariling buhay niya at ng kaniyang mga pasahero. Ang ganiyang pangyayari tungkol sa isang kamuntik nang pagbabanggaan, ayon sa pagkaulat sa isang pahayagan sa hilagang Hapón, ay mainam na halimbawa na upang mailigtas ang mga buhay ang isang dagling pagbabago sa pagkilos ay kung minsan kinakailangan.

Subalit, maraming tao ang may palagay na ang pagbabago ng relihiyon ay isang bagay na naiiba. Kasangkot dito ang matitinding takot. Nariyan ang takot na lumakad ka sa isang landas na wala kang kamuwangan. Si Mrs. Tachi, na nakipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, ay ganito ang sabi: “Maraming tao na nakikilala ko ang may pag-aalinlangan tungkol sa relihiyon at sa pagdiriin nito sa salapi. Subalit wala tayong nakilala at nasaksihan sapol sa pagkabata kundi ang mga kapistahan at mga kaugaliang relihiyoso. Hindi natin gaanong pinag-iisipan ang espirituwal na kahulugan ng hoji [ang pana-panahong Budistang serbisyo sa pag-aalala sa isang taong namatay na]. Ang higit na naiisip natin tungkol sa hoji ay na isa itong masayang panahon na makakasama natin ang mga kamag-anak at mga kapitbahay. Ang pag-iisip na lahat nito’y iiwanan natin, o lalong masama, tayo’y palalayasin ng sambahayan natin ang nagbigay sa akin ng takot.” Ang ganitong pagkadama tungkol sa relihiyon ang marahil nadarama rin ng mga tao sa inyong lugar.

Mayroon pang mga ibang pangamba. Sa maraming lugar, natatakot ang mga tao sa isang anyo ng paghihiganti sa kanila ng langit kung kanilang babaguhin ang kanilang relihiyon. Isang babae na nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa Hapón ang sinabihan ng kaniyang mga kamag-anak na siya’y dumaranas ng sakit at ng mga suliranin sa pamilya sapagkat kaniyang “pinabayaan ang kaniyang mga ninuno” at napukaw ang kanilang galit dahilan sa pag-aaral niya ng isang “banyagang relihiyon.”

Ang isa pang pangamba na pumipigil sa mga tao upang baguhin ang kanilang relihiyon ay ang takot na hindi kalugdan ng asawa o mga magulang. Sa maraming bansa sa Silangan, kung saan higit na pinahahalagahan ang katapatan sa mga magulang at sa pamilya, ang isang bagong asawang babae ay karaniwan nang inaasahang makikiayon sa relihiyon ng pamilya ng kaniyang asawa. Kahit na kung ang mag-asawa ay hindi naman lubhang relihiyoso, ang pananatiling mayroong mabuting relasyon sa pamilya at pamamalagi ng dating relihiyon ay itinuturing na lubhang mahalaga. Isang may kabataang mag-asawa ang huminto ng kanilang pag-aaral sa Bibliya pagkatapos na sila’y mapaharap sa matinding panggigipit sa isang “komperensiya ng pamilya.” “Ang kaso, kami’y nagkaroon ng takot sa tao,” ang paliwanag ng asawang lalaki, na nang malaunan ay nagpatuloy ng pag-aaral. “Inakala namin na dapat kaming sumunod sa mga kagustuhan ng aming mga magulang, at ayaw naming sila’y masaktan sa pamamagitan ng pagbabago ng aming relihiyon.

Dito’y nagugunita natin ang isa pang dahilan kung bakit marami ang natatakot na magbago ng kanilang relihiyon: ang palasak na pag-ayaw na ang isa ay ituring na naiiba. Sa pamilya na binanggit na, ang isa sa mga dahilan na ibinigay ng mga magulang kung bakit dapat ihinto ng kabataang mag-asawa ang kanilang pakikipag-aral ng Bibliya ay yaong bagay na ayaw nilang ang kanilang mga anak ay ituring na iba sa karamihan o itinatakwil sa mga gawain ng pamayanan.

Samakatuwid, kasangkot ang matitinding pangamba kung tungkol sa tanong na, Ako ba’y dapat magbago ng aking relihiyon? Kaya naman, marami ang may ganitong pilosopong pangmalas: Talagang hindi naman mahalaga kung anuman ang relihiyon ng isang tao, di ba? Hindi ba lahat ng relihiyon ay iba’t ibang daan lamang na patungo sa taluktok ng iisang bundok?’ Kung tungkol sa relihiyon, sila, katulad ng kasabihang tatlong unggoy, ay walang nakikitang masama, walang naririnig na masama, walang sinasalitang masama.

Subalit ang iba ay nagbago ng kanilang relihiyon. Bakit? Bueno, para sa marami sa kanila, iyon ay pagsapi lamang sa ibang relihiyon na may pangakong bibigyan sila ng biglaang kalusugan o pakinabang na salapi, samantalang kasabay nito ay nananatili pa rin sa kanilang mga ideya at gawaing relihiyoso na kinagisnan. Subalit para sa iba naman, sila’y gumawa ng tunay at lubusang pagbabago. Gayunman, marahil ay iisipin mo, ‘Talaga bang mayroong sapat na mga dahilan para baguhin ko ang aking relihiyon? Bakit ang iba ay handang magbago? Ang isang pagbabago kaya ay magkakaroon ng tunay na epekto sa aking buhay?’ Inaanyayahan ka namin na suriin ang sumusunod na artikulo para sa mga kasagutan.

[Larawan sa pahina 3]

Ano ang nagtutulak na motibo sa mga tao upang kumapit nang mahigpit sa kanilang kinamulatang mga kaugaliang relihiyoso?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share