Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 7/15 p. 3
  • Si Jesu Kristo—Diyos, Tao, o Alamat?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Si Jesu Kristo—Diyos, Tao, o Alamat?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Maling Turo Laban sa Tamang Turo​—Ang Katotohanan Tungkol kay Jesus
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
  • Si “Kristo, ang Anak ng Diyos na Buháy”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Sino si Jesu-Kristo?
    Gumising!—2005
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 7/15 p. 3

Si Jesu Kristo​—Diyos, Tao, o Alamat?

ISANG rock musical na itinanghal sa Broadway sa New York City noong 1971 ang naging kontrobersiyal, anupa’t ito’y may paksang panrelihiyon. Subalit baka ang paksang iyan ay hindi gaanong kontrobersiyal kaysa kung sino ang pangunahing karakter ito.

Isa sa pangunahing awitin ng musikal na ito ay nagtatanong: “Jesus Christ Superstar, sa palagay mo kaya’y ikaw yaong sinasabi nila na kung sino ka?” Sino ba si Jesus ayon sa sinasabi ng mga tao noong unang siglo? Si Jesus mismo ay nagtanong sa kaniyang mga alagad ng katanungang iyan at tumanggap ng maraming iba’t ibang kasagutan. (Mateo 16:13, 14) Sa ngayon, halos 2,000 taon na ang nakalipas, pinagtatalunan pa rin kung sino si Jesu-Kristo.

Talaga bang mahalaga na malaman kung sino si Jesus? Ano ang maaaring maging epekto sa atin ng pagkaalam ng kung sino siya? Bueno, prominenteng mga tao noong lumipas na mga panahon ang humubog ng kasaysayan ng daigdig, anupa’t naapektuhan tayong lahat, kahit man lamang sa di-tuwirang paraan. Subalit sa ngayon sila ay patay na. Kaya naman, bagama’t tayo’y naapektuhan nila sa pamamagitan ng kanilang ginawa, sa anumang paraan ay hindi nila maaapektuhan tayo ng kanilang ginagawa.

Gayumpaman, hindi gayon kung tungkol kay Jesu-Kristo. Sang-ayon sa paniniwala ng milyun-milyon, na sinusuhayan ng matibay na ebidensiya, si Jesus ay buháy na buháy ngayon, hindi bilang isang tao sa lupa, kundi bilang isang makapangyarihang espiritu sa kalangitan. Ang ginagawa ni Jesus, lalo na sa ika-20 siglong ito, ay may matinding epekto sa lahat ng tao. At, ang epekto ni Jesus sa ating buhay ay hindi limitado sa kaniyang ginawa noong nakaraan. Kasali rin dito ang kaniyang ginagawa sa kasalukuyan at, nakatutuwa, ang kaniyang gagawin sa hinaharap.

Balik tayo sa ating tema: si Jesu-Kristo​—Diyos, tao, o alamat? Ano sa palagay mo? Kung si Jesu-Kristo ay isang alamat, maliwanag na siya’y ni hindi Diyos, at hindi tao, at kung magkagayo’y walang kabuluhan ang patuloy na pag-uusap tungkol dito. Sa kabilang dako naman, dapat na maging masigasig tayo sa pagkatuto kay Jesus na buháy at binigyang-kapangyarihan ng Diyos na magdala ng walang-hanggang kapakinabangan sa sangkatauhan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share