Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w88 11/15 p. 7
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Karapatdapat na Tularan
  • Isang Nakatitisod na Korona
  • Ginto—Ang Hiwaga Nito
    Gumising!—1998
  • Ginto
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Di-kumukupas na Pang-akit ng Ginto
    Gumising!—2005
  • Korona
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
w88 11/15 p. 7

Ang Kahulugan ng mga Balita

Karapatdapat na Tularan

Isang kamakailang liham na napalathala sa New Haven Register, isang pahayagan sa Connecticut, ang nagbigay ng mga ilang taimtim na paniniwala tungkol sa mga kombensiyon na idinaraos ng mga Saksi ni Jehova. Ito’y para sa editor, at ganito ang sabi ng liham: “Kamakailan ay ginanap ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang taunang mga komperensiya sa Coliseum. Sa lahat ng mga grupong gumagamit nito, walang lalong higit na kinalulugdang tanggapin dito o hinahangad na gumamit nito kundi sila. Ang Coliseum ay hindi kailanman magiging kasinlinis, bago sila nagtipon dito, o sinlinis nang sila’y lumisan magmula ng kanilang huling pagdalaw.”

Tungkol sa isang kombensiyon na ginanap ng mga Saksi mga ilang taon na ngayon ang lumipas, ang sumulat ng liham ay nagsabi pa na “75,000 mga Saksi ang nagtipon sa Yankee Stadium, at 20,000 ang nangasa labas at nakikinig sa mga loudspeaker sa isang kapistahan ng pagsamba na naging sanhi ng panggigilalas ng mga taga-New York. Dalawang daang pulis ang idinistino roon noong unang araw, ang karaniwang dami na inaatasan upang mamanihala sa gayong karami. Dalawa lamang ang idinistino nang sumunod na araw upang mamanihala roon. Ang New York City ay nagpadala ng mga manggagawang may kinalaman sa kalinisan, sa paghahanda ng pagkain, pangangalaga ng katahimikan, at ng mga may kinalaman sa sunog upang pag-aralan ang di-kapani-paniwalang napakahusay na pagpapaandar na ito at matuto mula rito. Walang nakitang nakakalat na katiting mang pagkain o basura nang sila’y lumisan, bagaman ginanap ang pagkain doon ng kanilang mga miyembro. Ikaw man ay isang mananampalataya ng ibang anyo ng teolohikong hiwaga o tinatanggihan mo ang lahat ng ito, . . . iyong hahangaan ang kanilang pag-aalay ng sarili, at kanilang lubos na kabutihan, ang kanilang pagiging namumukod na halimbawa na dapat igawi ng tao at ang malusog na pamumuhay. Makabubuting tayong lahat ay sumunod at magkapit sa kahanga-hangang mga katangian na ipinakikita ng mapagpakumbaba at tapat na mga taong ito.”

Bagaman marami ang naniniwalang natatangi ang iginagawi ng mga Saksi ni Jehova, batid ng mga Saksi mismo na ang mga tunay na mga Kristiyano’y kailangang ‘mamuhay ayon sa espiritu’ at kailangang “patuloy na lumakad nang may kaayusan din naman ayon sa espiritu.” Ang espiritu ng Diyos ang siyang lumilikha sa kanila ng bunga ng “pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagbabata, kabaitan, kabutihan, pananampalataya, kahinahunan, pagpipigil sa sarili.” Ang ganiyang mga katangian ay tunay ngang karapatdapat tularan.​—Galacia 5:22, 23, 25.

Isang Nakatitisod na Korona

Daan-daang mamamayan ng Málaga, Espanya, ang tumangkilik sa isang pangmadlang abuluyan upang gastahin sa isang maluhong koronang ginto para sa popular na birhen doon, ang “Nuestra Señora de Esperanza.” “Isang gramo ng ginto para sa [birhen]” isang salawikain na binuo dalawang taon na ngayon ang nakalipas upang katugin ang mga tao na mag-abuloy. Magbuhat noon, mga hikaw, medalya, singsing na pangkasal, at maging mga gintong ngipin man ay iniabuloy. Ang mga bagay na ito ay tinunaw at nakakuha ng 1.5 kilo ng dalisay na ginto, sapat na magagamit sa paggawa ng isang taganas na koronang ginto para sa imahen.

Sa isang maringal na seremonya, na pinangunahan ng papal nuncio at ng ilan pang prominenteng mga obispo sa Espanya, ang “Nuestra Señora de Esperanza” ay pinutungan ng korona noong Hunyo 1988. Gayumpaman, hindi kakaunting mga Katoliko ang nagkaroon ng seryosong mga agam-agam tungkol sa koronasyong ito. Ang pahayagang Kastila na El Pais ay nag-ulat na sa isang bukás na liham mga 20 seminarista ang nagtatanong: “Hindi kaya tayo ay isa pa ring iskandalosong batong katitisuran sa mga mananampalataya at mga di-mananampalataya dahil sa ating walang kabuluhang mga rituwal?” Ang mga ibang grupong Katoliko ay tumukoy ng isang kamakailang encyclical ng papa na nagrirekumendang ang mga mananampalataya’y “sa mga dukha ibigay ang kanilang kayamanan.” Dahil dito, ang mga Katolikong ito ay nagpahayag ng kanilang “pagtutol na hindi maipagkakait sa kanilang budhi kung tungkol sa inianunsiyong maluhong seremonya” at sa “magastos na korona.”

Hindi katakataka na ang taimtim na mga tao’y tumutol sa paggagayak sa isang walang buhay na imahen. Ganiyan din ang damdamin ng Diyos mismo. Mga daan-daang taon na ngayon, kaniyang kinastigo ang mga Israelita dahilan sa kanilang gawaing ganitung-ganito. Sinabi ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Ezekiel: “Kanilang ipinagmamalaki ang kagandahan ng kanilang mga alahas, na ito ang ginamit nila sa paggawa sa kanilang kasuklam-suklam na mga imahen at mga idolo.” (Ezekiel 7:20, The Jerusalem Bible) Sa dahilang ito, ang mga umiibig sa katotohanan ay matalino sa kanilang pagtalima sa napapanahong payo ng Bibliya na “magsitakas kayo sa pagsamba sa diyus-diyosan.”​—1 Corinto 10:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share