Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 2/15 p. 16-17
  • Nang Matagpuan ang Nawalang Anak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nang Matagpuan ang Nawalang Anak
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kuwento ng Isang Nawalang Anak
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Pagbabalik ng Nawalang Anak
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Isang Ama na Handang Magpatawad
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
  • Tularan ang Awa ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 2/15 p. 16-17

Ang Buhay at Ministeryo ni Jesus

Nang Matagpuan ang Nawalang Anak

NANG ang nawala, o alibughang anak sa ilustrasyon ni Jesus ay bumalik sa tahanan ng kaniyang ama, paano ba siya tinanggap? Pakinggan ang paglalahad ni Jesus:

“Samantalang nasa malayo pa siya, natanawan na siya ng kaniyang ama at nagdalang-habag, at tumakbo at niyakap siya sa leeg at siya’y hinagkang malumanay.” Isang maawain, mapagmahal na ama, na napakainam na kumakatawan sa ating makalangit na Ama, si Jehova!

Malamang na nabalitaan ng ama ang palunging pamumuhay ng kaniyang anak. Gayunman ay kaniyang tinanggap ito sa kaniyang tahanan nang hindi naghihintay ng isang detalyadong paliwanag. Si Jesus ay mayroon ding gayong espiritu ng pagtanggap, anupa’t siya ang kusang lumapit sa mga makasalanan at mga maniningil ng buwis, na mga kinakatawan sa ilustrasyon ng alibughang anak.

Totoo, ang mapang-unawang ama sa ilustrasyon ni Jesus ay walang alinlangang may ideya na tungkol sa pagsisisi ng kaniyang anak dahil sa nakita niya ang malungkot, na nakatungong ayos nito nang siya’y magbalik. Subalit dahil sa mapagmahal na pagkukusa ng ama na siya’y kausapin kung kaya’t naging madali para sa anak na ipagtapat ang kaniyang mga kasalanan, gaya ng paglalahad ni Jesus: “At sinabi sa kaniya ng anak, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. Hindi na ako karapatdapat tawaging iyong anak. Gawin mo na lamang akong isa sa mga upahán mo.’”

Subalit, halos hindi pa natatapos ng pagsasalita ang anak ay kumilos na ang kaniyang ama, at iniutos sa kaniyang mga alipin: “‘Dali! ilabas ninyo ang isang balabal, ang pinakamagaling, at isuot ninyo sa kaniya, at suotan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay at ng mga sandalyas ang kaniyang mga paa. At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin at tayo’y magsikain at mangagsaya, sapagkat ang anak kong ito ay namatay at nabuhay uli; siya’y nawala at natagpuang muli.’ At sila’y nagsimulang magsaya.”

Samantala, ang “nakatatandang anak [ng ama] ay nasa bukid.” Tingnan kung iyong makikilala kung sino ang kaniyang kinakatawan sa pamamagitan ng pakikinig sa natitirang bahagi ng kuwento. Ganito ang sabi ni Jesus tungkol sa nakatatandang anak: “Nang siya’y dumating at malapit na sa bahay siya’y nakarinig ng tugtugan at sayawan. Kaya pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga utusan at nagtanong kung ano kaya ang mga bagay na iyon. Sinabi niya sa kaniya, ‘Dumating ang kapatid mo, at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya’y tinanggap niya na nasa mabuting kalusugan.’ Datapuwat siya’y nagalit at ayaw pumasok.

“Nang magkagayo’y lumabas ang kaniyang ama at namanhik sa kaniya. Bilang tugon ay sinabi niya sa kaniyang ama, ‘Narito maraming taon nang ako’y mistulang alipin na naglilingkod sa iyo at kailanma’y hindi ako sumuway sa iyong utos, gayunma’y hindi mo ako binigyan kailanman ng isang maliit na kambing upang ipakipagkatuwaan ko sa aking mga kaibigan. Datapuwat nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot, ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya.’”

Sino, tulad ng nakatatandang anak, ang naging mapintasin sa awa at atensiyon na ipinakikita sa mga makasalanan? Hindi baga ang mga eskriba at ang mga Fariseo? Yamang ang kanilang pagpintas kay Jesus dahilan sa kaniyang tinatanggap ang mga makasalanan kung kaya sinalita ni Jesus ang ilustrasyong ito, malinaw nga na sila ang mga kinakatawan ng nakatatandang anak.

Tinatapos ni Jesus ang kaniyang kuwento sa pamamagitan ng pakiusap ng ama sa kaniyang nakatatandang anak: “Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin; datapuwat kailangan tayo’y mangatuwa at mangagsaya, sapagkat ang kapatid mong ito ay namatay at muling nabuhay, at siya’y nawala at natagpuan.”

Sa ganiyan ay hindi na sinasabi ni Jesus kung ano sa bandang huli ang ginagawa ng nakatatandang anak. Siyanga pala, sa bandang huli, pagkamatay at pagkabuhay-muli ni Jesus, “isang malaking pulutong ng mga saserdote ang tumalima sa pananampalataya,” marahil kasali na ang ilan sa mga nasa uring “nakatatandang anak” na ito na tinutukoy rito ni Jesus.

Ngunit sino sa modernong panahon ang kinakatawan ng dalawang anak? Tiyak na yaong mga taong nakaalam ng sapat tungkol sa mga layunin ni Jehova upang magkaroon ng batayan sa kanilang pagpasok sa isang kaugnayan sa kaniya. Ang nakatatandang anak ay kumakatawan sa mga ilang miyembro ng “munting kawan,” o “kongregasyon ng mga panganay na nakatala sa langit.” Ang mga ito ay nagkaroon ng saloobin na nahahawig sa saloobin ng nakatatandang anak. Wala silang hangarin na tanggapin ang uring makalupa, ang “mga ibang tupa,” na inaakala nilang sumisikat nang higit sa kanila.

Ang alibughang anak, sa kabilang panig naman, ay kumakatawan sa mga taong nasa bayan ng Diyos na umaalis upang tamasahin ang mga kalayawan na iniaalok ng sanlibutan. Subalit, pagdating ng panahon, ang mga ito ay nagsisisi at nagsisibalik at muling nagiging aktibong mga lingkod ng Diyos. Oo, totoo ngang mapagmahal at maawain ang Ama sa mga taong ito na kumikilala sa kanilang pangangailangan ng kapatawaran at nagsisibalik sa kaniya! Lucas 15:20-32; Gawa 6:7; Lucas 12:32; Hebreo 12:23; Juan 10:16.

◆ Paano tinutularan ni Jesus ang halimbawa ng mahabaging ama sa kaniyang ilustrasyon?

◆ Ano ba ang pagkamalas ng nakatatandang anak sa ginawang pagtanggap sa kaniyang kapatid, at paanong ang mga Fariseo ay gumagawi na katulad ng nakatatandang anak?

◆ Ano ang katuparan ng ilustrasyon ni Jesus sa kaarawan natin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share