Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 5/15 p. 30
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Nagbabago ng Paniwala”
  • Isang Nakamamatay na Hilig
  • Hindi Isang Hiwaga
  • Paano Ko Maiiwasan ang Pornograpya?
    Gumising!—2007
  • Ang Pinsalang Idinudulot ng Pornograpya
    Gumising!—2003
  • Bakit Dapat Iwasan ang Pornograpya?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Bakit Dapat Iwasan ang Pornograpya?
    Ang Mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 2
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 5/15 p. 30

Ang Kahulugan ng mga Balita

“Nagbabago ng Paniwala”

Ang Genesis 1:1 ay nagsasabi: “Sa pasimula’y nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.” Sa loob ng mahigit na isang siglo, ang mga siyentipikong pabor sa teorya ng ebolusyon ay pumintas sa talatang ito sa Bibliya. Gayunman, “marami sa kanila ngayon ang nagbabago ng paniwala sa pinakamaaga, pinakamariing kasong ito ng pag-iral ng isang Maylikha,” ang pag-uulat ng The Orange County Register, isang pahayagan sa California.

Halimbawa, binanggit ng artikulo ang sinabi ng Australianong biologong si Michael Denton sa kaniyang aklat na Evolution: A Theory in Crisis. Binanggit niya na mula noong panahon nang ilathala ni Darwin ang kaniyang aklat na On the Origin of Species hanggang ngayon, wala kahit isang bahagya mang ebidensiya na susuporta sa teorya ni Darwin.

Gayundin, binanggit ng Register ang aklat na The Mystery of Life’s Origin: Reassessing Current Theories, na isinulat ng tatlong siyentipiko. Sang-ayon sa pahayagan, kanilang ipinaliwanag na hindi mangyayari na ang buhay ay nagsimula nang di-sinasadya at “nangangatuwiran na ang isang ‘Maylikha sa kabila pa roon ng cosmos’ ang siyang pinakamakatuwirang paliwanag tungkol sa pinagmulan ng buhay.” Bilang pagsuporta sa paniwalang ito, binanggit ng artikulo na ang astronomong Britano na si Fred Hoyle “ay malimit na sinisipi ukol sa kaniyang pangungusap na ang paniniwalang nagsimula nang di-sinasadya ang unang selyula ay gaya ng paniniwalang ang isang ipuipong dumaan sa isang lugar na tambakan ng mga partes ng eruplano ay makagagawa ng isang Boeing 747.”

Para sa maraming mga siyentipiko, ang ebidensiya na sumusuporta sa isang Kataas-taasang Causa ay di-mapagkakamalan. Subalit kumusta naman ang mga matitigas sa pagkatatuwa na mayroong isang Manlilikha? Makabubuting pag-isipan ng gayong mga tao ang mga salitang isinulat ni propeta Isaias na: “Ang kalikuan ninyong mga tao! Ang magpapalayok baga ay maituturing na katulad lamang ng putik? Sapagkat dapat bang sabihin ng bagay na ginawa tungkol sa gumawa roon: ‘Hindi niya ginawa ako’?”​—Isaias 29:16.

Isang Nakamamatay na Hilig

Noong Enero ng taóng ito, ang pusakal na mamamatay-taong si Theodore Robert Bundy, ay pinaupo sa silya elektrika sa Florida State Prison at pinatay. Siya’y iniugnay sa kahambal-hambal na kamatayan ng may 36 na babae, bagaman may hinala ang mga maykapangyarihan na maaaring umabot sa 100 ang kaniyang pinaslang.

Nang kapanayamin bago siya pinatay, inamin ni Bundy na ang pornograpiya ay isang pangunahing dahilan ng kaniyang pagiging kriminal. Ayon kay Dr. James Dobson, na kumapanayam sa kaniya, “sa edad na 12 o 13 kaniyang hinanap na ang pornograpiya sa mga botika, sa tabing-daan, at siya’y naging isang sugapa, nahilig nang labis,” ang ulat ng Daily News.

Ang pagtatapat ni Bundy ay kababanaagan ng mga salita ni Arthur Gary Bishop, isa pang nahatulang salarin, na pinatay ng nakalipas na taon dahil sa seksuwal na pamamaslang ng limang batang lalaki. Sang-ayon sa The Tribune, na isang pahayagan sa San Diego, California, sinabi ni Bishop na ang pornograpiya “ay ‘sumalanta’ sa kaniya nang siya’y isang bata pa at iyon ang umakay sa kaniya sa pagbagsak.” Sinipi ni Bishop ang isang sikologo na nagpatotoo nang siya’y litisin na “habang ang mga tao’y nagiging sugapa [sa pornograpiya] dumarami rin ang kanilang pitak, ang kanilang normal na pakiramdam ay pumupurol at sila’y nahihilig kumilos ayon sa kanilang nakikita.” Inamin ni Bishop: “Ganoon ang nangyari sa akin. Ako’y isang homoseksuwal na pedophile na hinatulan dahil sa pagpatay, at ang pornograpiya ay isang dahilan na nagbagsak sa akin.”

Kahit na ang nagtapat na mga salarin ay umamin na nagpapahamak ang pornograpiya, maraming tao ang naniniwala pa rin na ito’y isang di-nakapipinsalang libangan. Sa kanila ang babalang ibinigay sa Isaias 5:20 ay kapit na kapit: “Sa aba ng mga nagsasabing mabuti ang masama at masama ang mabuti, yaong mga kadiliman ang turing sa liwanag at liwanag ang turing sa kadiliman.”

Hindi Isang Hiwaga

Ang ministro ng Iglesiya Unida na si Phyllis Smith ay nagsabi na ang pananampalataya ng ilan sa mga klero ay pinagbabantaan ng mga katanungan ng mga pasyenteng may taning na ang buhay, ang pag-uulat ng The Toronto Star, isang pahayagan sa Canada. Ayon kay Smith, “ang mga taong mamamatay na ay nagtatanong tungkol sa mga hiwaga ng buhay at kamatayan na walang nakakaunawa na sinuman.” Sinabi niya: “Hindi naman kailangang tayo’y makadama ng panganib nang dahil sa inaakala nating dapat na alam natin ang lahat ng sagot.” Pagka mahihirap na katanungan ang ibinangon, sinabi ni Smith na “ang Diyos ay hindi naman kailangang ipagtanggol ng mga klerigo.”

Totoo nga na ang mga tao ay hindi laging may kaalaman sa lahat ng mga sagot sa mga tanong tungkol sa buhay at kamatayan, ang Bibliya ang may sagot. Hindi baga yaong nagsasabing sila’y mga ministro ng Diyos ay dapat makaalam ng sinasabi ng kaniyang Salita? Sinabi ni apostol Pedro na ang mga magkakapananampalataya ay dapat na laging “handa na magtanggol sa harap ng sinuman na humihingi sa inyo ng dahilan sa pag-asang nasa inyo.” (1 Pedro 3:15) Ang mga unang Kristiyano ay walang suliranin sa pag-unawa ng kalagayan ng mga patay o sa pag-asang ibinibigay sa namamatay na sangkatauhan. Batid nila na sinasabi ng Eclesiastes 9:5: “Nalalaman ng mga buháy na sila’y mangamamatay; ngunit kung tungkol sa mga nangamatay, sila’y walang nalalamang anuman.” At sinabi ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Ang oras ay dumarating na lahat ng mga nasa alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig at magsisilabas.” (Juan 5:28, 29) Para sa mga tunay na ministro ng Diyos, ang buhay at kamatayan ay walang hiwaga.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share