Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w89 6/15 p. 28
  • Ang Kahulugan ng mga Balita

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahulugan ng mga Balita
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Susi sa Kaligayahan?
  • Alanganin ang Bautismo
  • Mga Kontraseptibo at mga Katoliko
  • Bautismo ng Sanggol—Bakit Tinatanggihan ng mga Ilang Pari!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • “Birth Control” Sino ang Dapat Magpasiya? Ikaw o ang Simbahan?
    Gumising!—1989
  • Bautismo—Ito Ba’y Para sa mga Sanggol?
    Gumising!—1987
  • Dapat Bang Bautismuhan ang mga Sanggol?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1989
w89 6/15 p. 28

Ang Kahulugan ng mga Balita

Isang Susi sa Kaligayahan?

“Dalawang taóng pagsusunog ng kilay, at kaligayahan na walang-hanggan.” Ito, sang-ayon sa peryodikong Hapones na Yomiuri Shimbun, ang kasalukuyang mga pananalitang panghuli sa mga estudyanteng Intsik sa Hapon. Sa pag-asang yayaman, ang mga mag-aaral na ito ay nangungutang upang makarating sa Hapon, kung saan ayon sa kanilang paniwala’y umuulan ng salapi buhat sa langit. Kanilang inaasahan na sa paghahanap-buhay doon ng dalawang taon sa mga trabahong part-time habang sila’y nag-aaral, sila’y makapag-iimpok ng dalawang milyong yen (humigit-kumulang $15,400, U.S.) at saka sila uuwi upang mabuhay sa kaligayahan magpakailanman.

Ang ganiyang pag-asa sa salapi bilang susi sa kaligayahan ay laganap sa buong daigdig. Ang isang kamakailang surbey sa mga kabataan sa 9 sa 11 bansa ay nagsiwalat na “‘salapi’ ang nangunguna sa listahan” ng kanilang mga kabalisahan at pinag-uukulan ng lahat, ang sabi ng Asahi Evening News.

Ang pagtitiwala nga kaya sa kayamanan ang talagang susi patungo sa kaligayahan? Ang pantas na si Haring Solomon ay nagbabala na “ang isang mangingibig lamang sa pilak ay hindi masisiyahan sa pilak.” (Eclesiastes 5:10; 7:12) Ang labis na pagpapahalaga sa salapi ay hindi nagdudulot ng tunay na kasiyahan, ni nagbibigay man ito ng kasiguruhan sa kinabukasan. Halimbawa, ang Bibliya ay nagsasabi: “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ni Jehova.” (Zefanias 1:18) Gayunman, sa kabaligtaran, ang salmistang si David ay sumulat: “Maligaya ang malakas na taong kay Jehova nagtitiwala.” Ang pagtitiwala kay Jehova, hindi sa salapi, ang susi sa pagtatamasa ng ligaya magpakailanman.​—Awit 40:4; Isaias 30:18.

Alanganin ang Bautismo

Dalawang suliranin sa bautismo ng sanggol ang bumangon kamakailan sa loob ng Simbahan ng Inglatera. Ang una ay tungkol sa “walang itinatanging” bautismo, ayon sa isang klerigo ay mistulang isang “espirituwal na pagbabakuna.” Ang ikalawa ay ang pagtanggi ng parami nang paraming mga klerigo na magbautismo ng mga sanggol na ang mga magulang ay hindi aktibo ng pagsuporta sa Simbahan ng Inglatera.

Natatalos ng marami sa klero na kadalasa’y walang hangaring magsimba ang mga magulang at hindi rin nila ibig na magsimba ang kanilang mga anak. Bakit kung gayon nagbabautismo sa mga sanggol? “Ibig nilang mabinyagan ang kanilang mga sanggol,” ang sabi ng The Times, “kung paanong ibig nilang magbigay o tumanggap ng mga regalo sa kanilang kompleanyo, maggayak ng kani-kanilang tahanan kung Pasko . . . Bahagi ito ng kanilang kultura: Hindi naman kailangang magkaroon ito ng dahilan.”

Isang klerigo ang nagbitiw ng tungkulin dahil sa napag-isipan niya nang bandang huli na hindi dapat magbautismo ng mga sanggol. Sinabi niya: “Ang tanging makagagawa ng ganiyang panata kay Kristo ay yaong tao mismo.” Isinusog pa sana niya na si Jesu-Kristo ay 30 taóng gulang nang siya’y bautismuhan at na ang salitang Griego para sa bautismo, na ba·ptiʹzo, ay nangangahulugang ilubog o itubog. Pagkatapos bautismuhan sa Ilog Jordan, si Jesus ay “umahon sa tubig.” (Marcos 1:10; Mateo 3:13, 16) Saanman ay walang binabanggit ang Bibliya na pagwiwisik ng tubig sa mga sanggol. Yamang ang bautismo ay isang sagisag ng pag-aalay ng isang tao sa Diyos bilang isang tagasunod-yapak ni Kristo, ito’y hindi pasiya ng isang sanggol.

Mga Kontraseptibo at mga Katoliko

Ang pagsalangsang ng Iglesiya Katolika sa kontrasepsiyon ay kinumpirma ni John Paul II sa Second International Congress on Moral Theology na ginanap sa Roma noong nakaraang Nobyembre. Sang-ayon sa peryodiko ng Vatican City, na L’Osservatore Romano, sinabi niya: “Ito’y hindi isang doktrinang inimbento ng tao. Ito’y isinulat ng mapanlikhang kamay ng Diyos sa mismong naturalesa na katauhan ng tao. Ang pagdududa rito ay mistulang pagtangging ipagkait sa Diyos ang pagsunod ng ating talino,” at samakatuwid, isinusog niya, “hindi makukwestiyon ng teologong Katoliko.”

Subalit ang ensayklikal na liham Humanae Vitae na tinukoy ni Pope John Paul at isinulat ni Paul VI mga 20 taon na ngayon ang lumipas “ay agad kinuwestiyon ng maraming teologo,” sang-ayon sa obserbasyon ng Italyanong pahayagang La Stampa, at hindi pinansin ng “karamihan ng Katoliko.”

Maliwanag, ang pagmamatigas ng simbahan tungkol sa suliranin ng birth control ay lumikha ng pagkakawatak-watak ng mga teologo at lubhang nakabahala sa taimtim na mga Katoliko. Ang patuloy na pagtatalu-talo sa paggamit ng anumang uri ng kontraseptibo ay nag-udyok pa man din kay John Paul na ipayo sa mga teologo na silang lahat ay magsalita ng “iisang wika.” Gayunman, salungat sa pag-aangkin ng papa na ang posisyon ng simbahan tungkol sa kontrasepsiyon ay “isinulat ng mapanlikhang kamay ng Diyos,” ang Italyanong pahayagang La Repubblica ay gumawa ng pamumuna na “walang bersikulo sa mga Ebanghelyo o sa Matandang Tipan ang binabanggit upang umalalay sa doktrina.”

Saanman ay walang tinatalakay ang Bibliya tungkol sa paggamit ng mga kontraseptibo o ng birth control (pagsupil sa pag-aanak) ng mag-asawa, ni sinasabi man nito na obligado ang mga Kristiyano na mag-anák. Ang tungkol sa pagpaplano ng pamilya ay ipinauubaya ng Salita ng Diyos sa budhi ng bawat mag-asawang Kristiyano. Sa pagpipilit na ipatupad ang alituntuning ito tungkol sa birth control, ang Iglesiya Katolika ay “lumagpas sa mga bagay na nasusulat.”​—1 Corinto 4:6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share